Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Ricky Manchanda: Navigating Life with Type 1 Diabetes in Thailand

Na-edit:

Johanah Co

Type 1 Diabetes Advocate

“Kapag may type 1 Diabetes ka, nangangahulugang kailangan mong magpursige sa buhay. ‘Yung mga taong may type 1 diabetes lang ang nakakaunawa nito.” – Ricky Manchanda

Si Ricky Manchanda mula sa Northeastern Thailand ay nagbahagi ng nabuo niyang mga pananaw mula sa 23 taong pakikipaglaban sa Type 1 Diabetes. Sa pamamagitan ng katatagan at maagap na pagkontrol sa sakit, tinahak niya ang mga hamong dulot ng hyperglycemia at hypoglycemia.

Paulit-ulit na problema ni Ricky ang Hyperglycemia at Hypoglycemia. Ito ay mga kondisyong nangangailangan ng maingat na pagbabantay at maagap na pangangalaga. “Maaaring mas tumaas pa ang glucose sa dugo kapag nasobrahan ang paggamot ko sa hypoglycemia o kapag napasobra ang kain ko ng hapunan,” paliwanag niya. “Kailangang manatili sa tamang level ang ating blood sugar.”

Mahalagang bahagi ng pag-manage ng type 1 diabetes ni Ricky ang pag-unawa at paghahanda sa sakit na ito. “Napakalaki ng naitutulong ng pagsama ko sa mga diabetes camp at pagkakaroon ng paunang kaalaman tungkol sa sakit na ito,” pagdidiin niya.

Importante kay Ricky ang pagtitiyak na lagi siyang may insulin at monitoring tools na nagbigay diin sa kahalagahan ng pagiging handa sa pangangalaga ng kanyang kalusugan. “Sa dulo, kailangan talaga nating alagaan ang ating kalusugan.” wika niya.

Lagi niyang isinasaalang-alang ang kanyang kalusugan sa pamamagitan ng intermittent fasting at pagpili ng mga pagkaing may mababang carbohydrate. Sa ganitong paraan, maaalagaan niya ang kanyang kalusugan.

Sa naging karanasan ni Ricky, naipamalas niya ang kinakailangang katatagan at pag-unawa sa sitwasyon upang malagpasan ang type 1 Diabetes. Sa pamamagitan ng maagap na pag-manage ng type 1 diabetes at suporta mula sa iba, niyakap niya ang mga hamon ng buhay nang may determinasyon at positibong pananaw.

Icon Paunawa: