Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

#EndDiabetesStigma: Paggamit ng Inklusibong Wika para sa mga Taong Namumuhay na may Diabetes

Na-edit:

Johanah Co

Type 1 Diabetes Advocate

Iba-iba at mga mapanghusgang katawagan

Iba-iba ang araw ng mga taong namumuhay na may diabetes (PwD), at mahirap para sa mga taong walang kondisyon na ito na maunawaan gaano kakomplikado at mapanghamon ang pagma-manage nito. Lalo na at maraming mga maling impormasyon at stigma tungkol sa diabetes.

Isa sa mahalagang bahagi na dapat gawin sa mga PwD ay ang pagiging inklusibo, walang panghuhusga, at nakahihikayat na wika na makatutulong na bumuo ng unawa, empatya, at kawalan ng stigma na kapaligiran.

Kung gagamit tayo ng katawagan na “compliant” o “non-adherent,” hindi ito nakatutulong dahil nakakaramdam ng pagka-guilty, takot, at kahihiyan ang mga PwD.

Isa sa mga mainam na paraan dito ay unawain BAKIT nila ginagawa ang isang bagay. Bilang bahagi nito, kailangan mo silang kausapin tungkol sa kanilang paniniwala, takot, interes, at mga isyu na maaaring lumabas habang pinaplano ang kanilang lunas.

Doon lamang magiging makatotohanan ang pagtatakda ng mga layunin, magagawa, at magiging sustainable. Ang dalawang paraan ng komunikasyon ay nakapagbibigay ng mas maayos na outcome at mas mabuting kalusugan para sa PwD.

Mas mainam gumamit ng mga parirala tulad ng “manage” at “ligtas/hindi ligtas” upang magtuon sa effort ng isang indibidwal at magkaroon ng konteksto na walang panghuhusga. Ang paggamit ng mga pang-uri tulad ng “masama,” “kontrol,” at “dapat na” ay maaaring mapanghusga at nakakawalang gana.

Ang pagsasabi sa isang PwD ng, “hindi maganda ang pagkontrol mo sa diabetes mo, hindi ka sumusunod” ay hindi nakahihikayat, sa halip sabihan sila ng “maaaring hindi maging ligtas para sa iyong pangmatagalang kalusugan kung hindi ma-manage ang iyong blood glucose.”

Pag-unawa sa diabetes stigma

Kung ang isang tao ay nahusgahan, nadiskrima, o trinato nang masama dahil mayroon silang diabetes, ang tawag dito ay diabetes stigma. Sa ibang mga kaso, sanhi ito ng maling impormasyon tungkol sa diabetes kaya’t nakatutulong ang pagtuturo sa mga tao.

Kung ang isang tao ay may type 1 diabetes, umaatake ang immune system ng katawan sa pancreatic islet cells na gumagawa ng insulin, ibig sabihin na ang pancreas ay hindi gumagawa ng insulin.

Para sa mga taong may type 2 diabetes, ang pancreas ay hindi gaanong gumagawa ng insulin kaysa noon, at ang katawan ay naging resistant sa insulin.

Isa pang uri ang gestational diabetes. Nangyayari ito kung ang iyong katawan ay hindi gumawa ng sapat na insulin kung ikaw ay buntis.

Mayroon ding Maturity-Onset Diabetes of the Young (MODY) na isang bihirang uri ng diabetes na hindi tulad ng type 1 at 2 diabetes. Karaniwan itong nasa dugo ng pamilya.

At Latent Autoimmune Diabetes of Adults (LADA), isa itong autoimmune na kondisyon na nagsisimula sa pagtanda at hindi kinakailangan ng insulin sa loob ng nasa anim na buwan matapos na mapag-alaman.

Gayunpaman, maraming mga tao ang may maling paniniwala at stereotypes. Halimbawa, madalas nilang napagsasama ang iba’t ibang uri ng diabetes, o sinisisi ang tao tungkol dito.

Ang diabetes stigma na ito ay emosyonal na masakit para sa mga PwD at mula rito iniiwasan nila ang pagsasalita tungkol sa kanilang kondisyon. Magiging dahilan din ito sa mga tao na itago ang kanilang diabetes at hindi na masyadong i-manage ang kanilang sakit.

Malaki ang epekto ng paraan natin ng pagsasalita tungkol sa diabetes sa kung paano mag-iisip at makakaramdam ang mga taong may kondisyon nito.

Para sa mga taong nagtatrabaho na may kinalaman sa kalusugan at/o tagapag-alaga, ang pagbuo ng kapaligiran na naghihikayat sa pag-unawa, positibo, at epektibong pamamahala ay maaaring humantong sa mas maayos na pakikipag-ugnayan at mabuting kalalabasan sa mga PwDs.

Mas mabuti ang mental health ng PwDs at ang kabuuan nilang kalusugan kung nirerespeto ang kanilang saloobin, nararamdaman, at mga hamon.

Turuan ang iyong sarili at iwasan ang generalizations

Mahalaga na matuto tungkol sa diabetes upang mas maayos na maunawaan at epektibong suportahan ang mga taong mayroon nito.

Isa sa mga paraan ay pag-alam kung ano ang pinagdadaanan araw-araw ng mga PwDs, kabilang ang mga gamot at mga kagamitan na kailangan nila, at mga problemang kinahaharap.

Kadalasan, hindi nauunawaan ng mga tao ang diabetes at naiisip na lahat ng diabetes ay pareho. Ang mga taong namumuhay na may diabetes ay may iba’t ibang karanasan, kaya’t mahalaga na hindi i-generalize at isawalang bahala ang mga karanasan na ito.

Sa halip na sabihin na, “Hindi maaaring kumain ng asukal ang mga diabetic,” maaari mong sabihin na, “Kailangan na i-manage ng mga PwDs ang pagkonsumo nila ng carbohydrate, ngunit maaari pa rin nilang ma-enjoy ang mga ito nang may moderasyon.”

Sa pag-iwas ng generalization at pagmamasid sa mga salik mula sa tao, mas makakaramdam ang mga PwD na sila ay nauunawaan, empowered, at napahahalagahan.

Ang Paggamit ng Person-First Language at Open-Ended Questions

Ang person-first language ay nakatuon lamang sa tao sa halip na kondisyon. Hindi maganda ang pagsasabi na “isang diabetic.”

Kung nais mong mas maging marespeto at mas inklusibo ay sabihing “isang taong namumuhay na may diabetes.” Maaaring walang pakialam ang iba, ngunit maaaring iba ang pakiramdam ng ibang taong makaririnig nito.

Ang paraan na ito ay nakapagpapalaganap ng ideya na ang sakit ng isang tao ay hindi ang kabuuuan niya. Nakatutulong itong mabawasan ang diabetes stigma.

Isang magandang paraan upang makipag-ugnayan sa isang tao na may diabetes ay tanungin sila ng open-ended na mga tanong tungkol sa kanilang nararamdaman.

Subukan ang pagtatanong ng, “Kamusta ang nararamdaman mo ngayon? Salamat dahil dumating ka. Anong magagandang nangyari sa iyo nung mga nakaraang araw?” sa halip na “Sumunod ka ba sa mga oras ng pag-inom ng gamot at nakontrol mo ba ang iyong diabetes sa iyong diet at ehersisyo?”

Nakapagsusulong ito ng bukas na komunikasyon at sa pamamagitan ng mapanghikayat na nakatuon sa mga kalakasan na tono ng pakikipag-ugnayan.

Kilalanin ang Efforts at Bawasan ang Hindi Kinakailangang Payo

Kinakailangan ng patuloy na effort at atensyon ang pag-aalaga ng diabetes. Ang mga taong walang diabetes ay maaaring magpakita ng suporta sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pang-araw-araw na hamon at efforts na pinagdadanaan ng mga pamilya at kaibigan nila.

Maaari mo silang tulungan na bumuti ang pakiramdam sa pamamagitan ng pagsasabi, tulad ng, “Hinahangaan ko yung sipag mo sa pag-handle ng diabetes mo” o “Alam kong hindi madali, pero mahusay mong ginagawa.”

Iwasan ang pagbibigay ng tips para sa PwDs kung hindi nila nais.

Maraming mga tao na namumuhay na walang diabetes ay nais lamang na magbigay ng mabuting payo, ngunit ang paraan ng pagsasalita nila ay maaaring makasakit.

Sa halip, magbigay ng suporta at panghihikayat. Kung humingi sila ng tulong, siguraduhin na magbibigay ng tamang payo at paalalahanan sila na hindi ka isang medikal na propesyonal.

Isang paraan upang makatulong dito ay suportahan ang mga inisyatiba, polisiya, at mga batas na nakasisigurong lahat ng mga may diabetes ay maalagaan nang patas. Halimbawa, maaari kang manumpa sa www.enddiabetesstigma.org.

Nakapagpapabago ang Inklusibo at Strength-Based na Wika

Ang mga taong nag-alaga at sumuporta para sa mga taong may diabetes ay maaaring mabawasan ang diabetes stigma at magkaroon ng makabuluhang ugnayan sa pamamagitan ng wika na nakabase sa pagtingin sa kalakasan, inklusibo at supportive na wika.

Hindi dapat hinuhusgahan ang mga PwD, hindi sinisisi, o pinapahiya dahil may diabetes. Hindi nila ito kasalanan.

Sa halip, magagawa nating maging mapang-unawa at mas katanggap-tanggap ang pamayanan sa mga taong may diabetes sa pamamagitan ng pagkatuto tungkol sa kondisyong ito, huwag bumuo ng mga assumptions, pagsasalita sa paraang first-person, at pagkilala sa kanilang efforts at progreso sa kanilang PwDs.

Malaki ang epekto ng pagbabago ng wika sa buhay ng PwDs at nakatutulong sa ating komunidad na mas maging mapagtanggap at maalaga para sa lahat.

Icon Paunawa: