Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Paggabay sa iyong anak na may Type 1 diabetes upang maging independent
Na-edit:
Mula sa pananaw ng iba’t ibang doktor, makikita kung ano ang nararamdaman ng mga magulang kapag nalaman nilang may Type 1 Diabetes ang kanilang anak.
Ang pagka-diagnose ng sakit na ito ay maaaring ikagulat at humantong sa kawalan ng katiyakan, pagkabahala, at takot.
Subalit huwag mag-alala. Ang isang batang may Type 1 Diabetes ay maaaring makapamuhay nang ganap kung magkakaroon sila ng wastong pag-aalaga, pag-aaral, at suporta.
Ang pagtulong sa mga taong tulad mo na may anak na may diabetes ang pangunahing paksa ng artikulong ito. Makapagbibigay ito sa iyo ng mga mahahalagang impormasyon at tips kung paano solusyunan ang mga problemang maaari mong harapin.
Ang Type 1 Diabetes ay isang autoimmune na sakit kung saan inaatake at sinisira ng immune system ng katawan ang insulin-producing cells sa pancreas.
Nagiging dahilan ito ng kakulangan ng insulin, ang hormone na responsable sa pagkontrol ng lebel ng blood sugar. Bilang resulta, ang mga batang may Type 1 Diabetes ay nangangailalin ng panghabambuhay na insulin therapy upang mapanatili ang normal na lebel ng blood glucose.
Ang pag-aalaga sa isang batang may ganitong kondisyon ay isang gawaing hindi dapat gawin nang mag-isa.
Mahalagang magkaroon ng matibay na support system sa grupo ng medical experts.
Makipag-usap at makipag-ugnayan nang mabuti sa endocrinologists, psychologists, dietitians, exercise physiologists, at iba pang mga doktor.
Gayundin, makipag-usap sa ibang mga tao sa iyong komunidad o online upang ibahagi ang iyong kuwento at makakuha ng emotional support o mga impormasyon.
Maraming mga magulang ang emosyonal na nahihirapan sa pag-aalaga ng anak na may diabetes. Makatutulong ang pagsasaliksik tungkol sa Type 1 Diabetes upang malaman kung paano maaalagaan nang mabuti ang iyong anak.
Sa www.hellotype1.com, makahahanap ka ng quizzes, posters, pelikula, at artikulo na isinulat ng mga propesyunal tungkol sa sakit na diabetes.
Ikaw at ang iyong anak na may Type 1 Diabetes ay nangangailangan ng kaalaman at karanasan sa pag-check ng glucose levels, pagturok ng insulin, pag-alam sa mga senyales ng hypoglycaemia at hyperglycaemia, at iba pang mga mahahalagang bagay.
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman. Kung ang iyong anak ay may maraming kaalaman tungkol sa Type 1 Diabetes sa mga bata, magiging aktibo siya sa pagkontrol ng kanyang sakit.
Kung ang isang batang may ganitong kalagayan ay bukas sa kanyang mga magulang upang sabihin kung paano nakaaapekto ang Type 1 Diabetes sa kanya, mabuting senyales ito na nakararamdam siya ng pagiging ligtas at panatag.
Kaya naman, mahalagang panatilihing isang ligtas na lugar para sa iyong anak ang inyong tahanan.
Ang pagbuo ng komprehensibong diabetes management plan ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan at well-being ng iyong anak.
Katuwang ng inyong healthcare team, gumawa ng isang custom plan na kinabibilangan ng wastong dami ng insulin na kailangan, tamang pagpaplano ng pagkain, at dapat gawin sa oras ng emergency.
Gayundin, hikayatin ang iyong anak na magkaroon ng mas malusog na pamumuhay. Makatutulong ito sa kanya upang maging mas maayos ang kanyang pagtingin sa kanyang sitwasyon.
Mahalaga rin ang paghikayat sa kanya na kumain ng masustansya, regular na mag-ehersisyo, at matulog nang sapat.
Pinakamahalaga ay ang pagbabantay sa mga pagkaing may carbohydrate dahil ito ay direktang epekto sa lebel ng blood sugar.
Tiyakin ding alam ng iyong anak ang kahalagahan ng pag-inom ng tubig at pagiging maingat sa pagkain ng carbohydrates.
Mahalagang ipagbigay-alam sa guro at paaralan ng iyong anak ang tungkol sa kanyang kondisyon, maging ang mga kailangang gawin sa pag-aalaga sa isang batang may Type 1 Diabetes.
Kailangang ang mga nurse at guro sa paaralan ay may training kaugnay ng ganitong usapin. Kabilang dito ang pagtitiyak na ang mga batang may Type 1 Diabetes ay may access sa mga pagkain at kagamitang pang-monitor sa tuwing oras ng klase at pakikipag-ugnayan sa magulang kung nabigyan ng insulin ang kanilang anak.
Upang masigurado ang paaralan ay isang ligtas at mapagsuportang lugar upang matuto, hikayatin ang mga mag-aaral na maging bukas sa kanilang mga guro, nurse, at kamag-aral.
Maaari kayong makatulong sa pagbibigay-solusyon sa ibang mga problema sa pamamagitan ng pagtatanong o pagpapadala ng mensahe sa HelloType1 Facebook groups.
Ang paggawa ng pagbabago sa paalaran o sa inyong komunidad ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating lipunan.
Hindi mo na kailangan mag-alala kung kailangan mo ng tulong sa magawa ang una mong proyekto: ang iyong HelloType1 team friends ay narito upang tulungan ka. Magpadala lamang ng email o magmensahe sa HelloType1 Facebook
Ang pag-aalaga sa batang may Type 1 Diabetes ay nangangailan ng oras, pag-unawa, at tulong. Alam naming mahirap ang ganitong sitwasyon.
Iba-iba ang sitwasyon ng bawat batang may diabetes, kaya ang pag-aalaga sa kanila ay dapat na angkop sa kanilang pangangailangan.
Magiging mas mabuti ang pag-aalaga ng iyong anak sa kanyang sarili kung siya ay may support system, may kaalaman sa kanyang ginagawa, at may positibong pag-uugali.
Kung pakiramdam mong masyado nang mabigat ang iyong pinagdaraanan, hindi ka nag-iisa. Ang ilang emosyonal na problema ay maaaring maproseso nang mabuti sa tulong ng mahusay na counselor or therapist.
Tandaan, ang magandang kinabukasan na puno ng oportunidad ay posible para sa mga taong may Type 1 Diabetes.