Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Napag-alaman na may Type 1 Diabetes ang aking anak
Na-edit:
Mabigat na makatanggap ng balitang ang iyong anak ay may Type 1 Diabetes.
Minsan ang diagnosis ay malalaman matapos mangyari ang diabetic ketoacidosis.
Kadalasan na nakakaramdam ng guilt ang mga magulang dahil iniisip nila na may ginawa sila upang mangyari ito, ngunit sa mga magulang, ang kailangan niyong malaman ay ang diabetes sa bata ay hindi mo kasalanan o ng anak mo.
Hindi mo maiiwasan ang Type 1 Diabetes sa mga bata at wala itong isang tiyak na sanhi o prediksyon.
Sa artikulo na ito, aalamin natin paano mag-cope sa diagnosis na Type 1 Diabetes ng iyong anak.
Tandaan na ang pagharap sa Type 1 Diabetes ng iyong anak ay isang bagay na hindi mo kayang gawin nang mag-isa. Humingi ng tulong mula sa mga diabetes healthcare professionals at ibang mga eksperto sa larangan.
Ikaw at ang iyong anak ang pinakamahalagang mga tao sa pag-manage ng type 1 diabetes sa bata, ngunit kailangan mo rin magkaroon ng endocrinologist, edukador sa diabetes, pharmacist, at dietitian.
Ikaw at ang iyong doktor ay kailangang gumawa ng plano sa pag-aalaga na tiyak sa iyong mga kahingian. Kailangan mong maging consistent sa mga regular na meeting upang panatilihin na ang lunas ay naaayon pa.
Narito ang ilang mga ideya mula sa taong may Type 1 Diabetes, “Mula sa maliliit na talakayan sa grupo, narinig ko sa mga magulang na may Type 1 Diabetes na bata na hindi nila naipapahayag ang kanilang damdamin kung pag-uusapan ang kanilang anak.”
Ito ay upang maging malakas sila para sa kanilang mga anak. Ngunit bilang isang taong may Type 1 Diabetes, ang pagkokonekta sa aspektong emosyonal sa aking mga magulang ay bumubuo ng matibay na koneksyon at epekto.
Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman sa iyong anak na may Type 1 Diabates ay nakatutulong at maaaring magbigay ng lunas para sa inyong dalawa.
Nakaiiinis isipin kung bakit ang isang tao ay nagkakaroon ng Type 1 Diabetes kung wala ito sa dugo ng inyong pamilya. Tandaan, ayos lamang na hindi mo alam lahat ng sagot.
Mayroon pa ring bahaghari matapos ang ulan, at kahit na ang pinakamaitim na ulap ay maaaring mawala upang magkaroon ng magagandang araw.
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagharap sa type 1 diabetes.
Kailangan magkaroon ng tamang impormasyon at kasanayan sa pag-handle ng kanilang sitwasyon. Kabilang dito ang pagtingin sa lebel ng blood glucose, pagpili sa mga wastong pagkain, pagbibilang ng carbs, pag-adjust ng insulin, at pagbabago sa kabuuang lifestyle.
Magpapalakas ng tiwala sa sarili ng inyong anak ang pagbibigay ng basics sa kung paano nila aalagaan ang kanilang kondisyon, hikayatin sila nang lubos, at tulungan na magkaroon ng bagong gawi.
Ang pagbibigay ng kalayaan sa bata ay nakatutulong na alagaan ang kanilang sarili at mag-develop ng maayos na pagkakakilanlan sa sarili.
Paunti-unti silang turuan paano ang wastong pagpili sa kanilang pagkain, pagtingin sa lebel ng kanilang blood sugar, at pagkilala sa mga senyales, at iba pang mga pag-aalaga sa sarili.
Habang tinuturuan sila tungkol sa kanilang mga gamot, pagtingin sa blood sugar, at kahalagahan ng malusog na pag-uugali, maging malay sa kung ano ang nararamdaman nila sa kanilang diabetes.
Mahalaga na malaman ang pang-araw-araw nilang nararamdaman dahil ang Type 1 Diabetes sa bata ay 24/7, walang pahinga.
Kung ang mga bagay ay hindi umaayon tulad ng lebel ng blood glucose, huwag dumiretso sa susunod na dapat gawin, kausapin sila tungkol sa mga paraan paano ito mapapabuti.
Mahalaga na maging matapang at maging bukas tungkol sa pagkakaroon ng Type 1 Diabetes sa bata.
Nakalulungkot at nakasasama sa mental ng kalusugan ng iyong anak na isikreto ang kanilang Type 1 Diabetes.
Maglaan ng oras upang kumonekta sa mga support groups, grupo ng mga magulang at pamilya, o iba pang mga tao na may anak na may Type 1 Diabetes.
Nagbibigay ito ng paraan sa mga tao na pag-usapan ang kanilang karanasan, kumuha ng kaalaman, at ng emosyonal na suporta.
Ang paglalapit sa iyong anak kasama ng mga batang may diabetes ay nakapagbibigay ng comfort at kaligayahan sa kanilang pagtanda.
Ang patuloy na pagkonekta sa ibang tao at pagbabahagi ng iyong karanasan ay magandang paraan upang matuto tungkol sa mga bagong paraan ng pagma-manage ng Type 1 diabetes sa bata.
Mga magulang, tandaan na ang pagkakaroon ng Type 1 diabetes ng iyong anak ay bahagi ng kakaibang paglalakbay.
Gamitin ang pagkakataon na ito upang turuan sila paano maging malakas, matatag, at magpokus sa pag-aalaga sa sarili.
Ang pagpapakita sa iyong anak na ang kanilang sakit ay hindi nangangahulugang sila, sa halip nagpapatatag ito at nagbibigay sa kanila ng determinasyon.
Hikayatin sila sa pamamagitan ng pagpapakita na kaya nilang gumawa ng mga mahuhusay na bagay at maging matagumpay rito.
Ipaalam sa kanila na lagi kang nariyan para sa kanila at minamahal sila kahit na anong mangyari.
Bilang numero unang advocate ng iyong anak, tumindig at ibahagi ang karanasan nang walang takot. At tignan ang paglago ng iyong anak, na nagpapakita na ang Type 1 Diabetes ay isang bahagi lamang ng kanilang kagilagilalas na kwento ng buhay.