Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Nuphon: Pagyakap sa Buhay at Football nang may Type 1 Diabetes sa Cambodia

Na-edit:

Johanah Co

Type 1 Diabetes Advocate

“Nang ma-diagnose ako, natakot ako dahil akala ko, hindi na ako gagaling.” – Nuphon

Ibinahagi ng batang football player mula sa Cambodia ang kanyang kuwento ng pagharap sa buhay ng may type 1 Diabetes. Sa kabila ng takot, nakakuha siya ng lakas sa pag-manage ng hypoglycemia nang may determinasyon at maagap na pagkilos.

Ang pag-manage ng hypoglycemia ay nagdulot ng mga hamon kay Nuphon. Umasa siya sa mabilisang pagtugon sa sakit tulad ng pag-inom ng Coca-Cola upang maging maayos ang kanyang blood sugar. Kaya naman, sa tulong ng walang maliw na suporta ng kanyang ina, matapang at positibo niyang hinarap ang bawat balakid.

Ibinahagi naman ng ina ni Nuphon na si Chanda ang kanyang pananaw sa pagsuporta sa kanyang anak sa laban nito sa diabetes. “Sobra akong natakot, nawalan ng pag-asa, at na-stress nang ma-diagnose si Nuphon sa mura niyang edad,” pag-aalala niya. “Ginawa ko ang lahat para sa kanya, tulad ng pagtuturok ng insulin at paghahanda ng masustansyang pagkain gaya ng mga prutas at gulay.” Binigyang diin ni Chanda ang kahalagahan ng pag-unawa tungkol sa sakit na ito at patuloy na pangangalaga ng sarili upang matiyak na nasa maayos na kalagayan si Nuphon. “Napakahalaga ng regular na pagtuturok ng insulin sa kanya at pagtitiyak na nakakakain nang tama ang mga bata,” sabi niya. “Sa ibang mga magulang, maniwala kayo sa mga doktor.”

Isang halimbawa ng katapangan at katatagan ang naging buhay ni Nuphon. Inspirasyon ito para sa ibang may Type 1 diabetes. Sa pamamagitan ng pagtanggap at suporta, hinarap niya ang lahat ng pagsubok nang may determinasyon at positibong pananaw sa buhay.

Icon Paunawa: