Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Mahusay sa Paaralan kahit may Type 1 Diabetes
Na-edit:
Ang pagpasok sa paaralan kahit na mayroong type 1 diabetes ay mahalaga sa hinaharap ng bawat isa. Kaya’t ang pag-alam ng kaugnayan sa pagitan ng type 1 diabetes at ang performance sa school ay mahalaga.
Ang type 1 diabetes ay hindi karaniwan tulad ng ibang mga problema sa kalusugan, posible bang maging ligtas at masaya sa kapaligiran ng pagkatuto?
Ang pagpapabuti sa pag-unawa ng diabetes sa paaralan ay mahalaga dahil ito ay seryoso, at pangmatagalang kondisyon na kailangan na ma-manage nang mabuti.
Ang type 1 diabetes ay isa sa mga pinaka karaniwang pangmatagalang kondisyon na makikita sa mga mag-aaral dahil ito ay karaniwang makikita sa mga bata, teenagers, at mga young adult, ngunit maaaring magkaroon nito ang kahit na anong edad.
Maaaring may adjustment na gawin para sa mga magulang at mga guro, lalo na sa mga bata na may type 1 diabetes na nagsisimula pa lamang sa kanilang sakit. Ngunit, posible bang maging maayos ang performance sa paaralan ng batang may type 1 diabetes?
Ang mahusay na teamwork sa pagitan ng mga guro, mga magulang, healthcare team, mga at ang taong may diabetes (PwD) ay malaki ang magagawa sa kung paano ma-manage ang diabetes.
Para sa mga bata, ang pamumuhay na may type 1 diabetes ay kinakailangan na maturukan sila ng insulin, tignan ang lebel ng kanilang blood glucose, kumain ng snacks, uminom ng maraming tubig, at regular na mag-ehersisyo.
Karamihan ng mga bata ay takot sa karayom at maaaring hindi maunawaan kung bakit ang kanilang kaklaseng may type 1 diabetes ay kailangang turukan ng insulin o tusukin upang tignan ang lebel ng blood glucose.
Dahil hindi nila alam kung ano ang type 1 diabetes, maaaring magsalita ang ibang mga bata ng hindi maganda at masasakit na bagay na maaaring makasakit sa kanilang kaibigan.
Maaaring makatulong na makipag-usap sa kaklase tungkol sa type 1 diabetes at tulungan silang maunawaan ang kondisyon na ito.
Kung mangyayari ang pagtalakay sa diabetes sa mga kaklase at sa mga bata na may type 1 diabetes, malaking tulong ito sa pag-handle ng emergency dahil maaaring may mangyari sa isang buong araw. Dahil ang type 1 diabetes at ang performance sa paaralan ay magkaugnay, ang paggawa nito ay makatutulong sa mga mag-aaral na may diabetes na mapabuti ang performance sa paaralan.
Ang pagpapalaganap ng #kamalayansadiabetes ay maaaring magandang paraan upang magbigay ng suporta at tigilan ang mga tao sa maling pagtingin.
Upang mangyari ito, ang mga magulang ay maaaring tanungin ang kanilang doktor at nars upang sanayin ang mga guro at nars sa paaralan sa kung paano i-manage ang type 1 diabetes ng kanilang anak.
Ang mga batang may type 1 diabetes kasama ng kanilang mga magulang ay maaari ding sabihan ang mga guro upang bumuo ng ligtas na espasyo sa loob ng klasrum upang maiwasan ang ibang pagtingin o hindi mapabilang, na maaaring magpasama ng kanilang loob at magparamdam ng kahihiyan sa kanila.
Maaaring hindi rin lubos na maunawaan ng mga mas batang mag-aaral ang sitwasyon at maaaring maniwala sa mga bagay na hindi naman totoo.
Halimbawa, ang ilang mga mag-aaral ay maaaring may pagtingin sa type 1 diabetes bilang sakit na nakahahawa, habang ang iba ay maaaring ikonekta ang pagturok ng insulin sa ibang nakaaadik na gamot.
Mahalaga sa mga bata na may childhood diabetes na manatili ang kanilang tiwala sa sarili. Subukang hindi magpadala nang personal sa mga negatibong komento dahil hindi lahat ay may alam sa type 1 diabetes.
Ang mga magulang at mga batang may type 1 diabetes ay maaaring pakiusapan ang mga doktor at guro na magkaroon ng personalized plan habang nasa loob ng paaralan. Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na may type 1 diabetes at ng performance nila sa paaralan.
Ang plano na ito ay maaaring maglaman ng mga malinaw na panuto sa pag-check ng blood glucose, pagbibigay ng insulin, at oras ng pagkain at snack.
Makatutulong ito na magkaroon ng talakayan tungkol sa pagma-manage ng type 1 diabetes bago pumunta sa pisikal na klase, lakbay-aral, o iba pang mga katulad na nakatutuwang gawain.
Mahalaga rin sa mga magulang na pag-usapan nang bukas at regular kasama ang guro ng kanilang anak, nars ng paaralan at healthcare team.
Makatutulong din ang mga doktor sa mga batang may diabetes na harapin ang mga problema sa pagsali ng mga bata sa support groups at pagco-coach sa mga ito.
Ang pagsali sa mga diabetes support groups at camps ay makapanghihikayat sa mga PwDs upang matuto sa bawat isa, at magkaroon ng pangmatagalang pagkakaibigan, at magkaroon ng personal na responsibilidad sa kanilang kondisyon.
SYEMPRE! Sa pamamagitan ng tamang suporta at mga estratehiya sa pagma-manage ng diabetes, ang mga batang may type 1 diabetes ay maaaring maging mahusay sa akademiko at magkaroon ng fulfilling na buhay.
Maraming mga mahuhusay na mag-aaral na mayroong diabetes na umaangat sa akademiko habang may gampanin sa pagma-manage ng kanilang diabetes.
Ang mga mag-aaral na may type 1 diabetes ay ang higit na nakaaalam sa kanilang mga katawan. Mas mainam kung hahayaan silang maging responsible at magbigay ng tulong kung kinakailangan.
Sa kabuuan, ang teamwork at positibong pag-uugali ay ang mga susi sa pagkamit ng tagumpay sa paaralan.
Ang iba pang mga makatutulong na konsiderasyon ay maaaring magmula sa mga guro, tulad ng; pagbibigay ng flexible na pagliban sa klase para sa pagbisita sa doktor at mga dalas ng oras ng pag-ihi.
Dahil sa ugnayan sa pagitan ng type 1 diabetes at ng performance sa paaralan, kung mayroong personalized care plans at may sumusuportang kapaligiran, maaaring matulungan nila ang mga mag-aaral na may type 1 diabetes na nahuhuli, hindi lamang pang-akademiko, ngunit pati na rin sa pakikipagkapwa, pisikal, at mental na aspekto.
Ang pamumuhay na may type 1 diabetes ay nakapagpapaligaya ng pagkatuto dahil handa ka sa anumang bagay.
Ang mga batang may type 1 diabetes ay mas makararamdam ng pagiging mas komportable sa pagpunta sa mga event sa paaralan at nakabubuo ng matatag na network ng suporta, lalo na kung tinutulungan nila ang iba na unawain ang kanilang sitwasyon.
Hindi humihinto ang type 1 diabetes sa kahit na sinong mag-aaral mula sa pagtamo ng kanilng kabuuang potensyal.
Mainam kung ang type 1 diabetes ay naging bahagi ng journey ng isang mag-aaral patungong paglago sa lahat ng aspekto ng buhay.