Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Paano Nakaaapekto ang stress at Burnout sa Type 1 Diabetes

Na-edit:

Johanah Co

Type 1 Diabetes Advocate

Pagbabalanse ng stress at diabetes

Ang araw-araw na pagbangon at pagkilos ay nagbibigay ng parehong kasiyahan at stress.

Ang buhay ay umiikot lang sa iba’t ibang pangangailangan, stresses, at pleasures.

Kung isasama ito sa Type 1 Diabetes, mas nagiging komplikado ang mga bagay, at kakailanganin mo ang lahat ng lakas na kailangan mo upang makaalpas sa bagyo ng hypoglycemia at hyperglycemia

Hindi gumagaling na kondisyon ang type 1 diabetes na kailangang i-manage araw-araw. Ang pagkakaroon ng maraming task ay masyadong overwhelming at nakaka-stress. Maaaring mabago ng stress ang lebel ng blood glucose.

Maaaring hindi maging madali na makahanap ng balanseng buhay sa pagharap ng parehong epekto ng stress at diabetes.

Ang pag-manage ng Type 1 diabetes ay mahirap dahil maraming kailangang ikonsidera, na maaaring maging sanhi ng stress.

Maging Malay sa lebel ng stress at pagma-manage ng lebel ng blood glucose.

Kabilang ang maingat na pag-manage ng blood glucose, pagkonsumo ng insulin, at paghahanda sa pagkain, sa mga nakaka-stress na elemento na makaaapekto sa blood glucose.

Karagdagan, kailangan natin itong harapin at balansehin ang kahingian ng buhay na ating ginagampanan, at magkaroon ng puwang sa mga pagbabago.

Maaaring kabilang dito ang mga gawain sa klase, trabaho, hobbies, mga relasyon, gawaing bahay, at iba pang mga gawain.

Upang mapanatili ang iyong blood glucose sa inirerekomendang range (70-180 mg/dl o 4-10 mmol/L) kailangan mong ibalanse ang maraming mga salik.

Pagkain, pisikal na ehersisyo, at hindi masukat-sukat na salik tulad ng stress at lebel ng hormones ay nakaaapekto sa lebel ng blood glucose.

Ang pag-alam sa type 1 diabetes ay maaaring maging komplikado dahil sa hindi masukat na mga salik. Mainam ang pagpapanatili sa mga pangangailangan ng kalusugan upang magkaroon ng adjustments at maging balanse sa iba’t ibang gawain.

Paano naaapektuhan ng stress ang ating Type 1 Diabetes

Alam niyo ba na ang mga stressful na sitwasyon ay nakapagpapataas ng ating blood sugar at maaaring maging sanhi na maramdaman ang burn out?

Kung tayo ay stressed, ang katawan natin ay natural na naglalabas ng adrenaline at cortisol hormones. Ito ay tinatawag na “fight or flight” syndrome. Kaya’t ang sobrang stress at diabetes ay hindi magandang kombinasyon.

Maaaring panandaliang tumaas ang lebel ng blood glucose dahil sa hormones na ito (na nagbibigay sa atin ng enerhiya na lumaban)

Stress at diabetes: Ano ang nakaaapekto sa lebel ng blood glucose?

(1) Pagbabago sa gawi sa pagkain. Kung stressed ang isagn tao, ang kanilang gawi sa pagkain ay maaaring magbago. Maaaring magsimula silang kumain nang marami o kakaunti kaysa sa karaniwan, minsan ay sobra.

Ang ibang mga tao ay maaaring mag-cope sa mga epekto ng stress sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkain na mataas sa carbohydrates na mabilis na nagpapataas ng lebel ng kanilang blood glucose. Hindi ito nakabubuti sa nagma-manage ng type 1 diabetes.

(2) Pagbabago sa diabetes routine. Ang mga stressful na pangyayari ay mas nakapagpapalimot sa mga taong may type 1 diabetes na inumin ang kanilang mga gamot o i-monitor ang kanilang lebel ng blood sugar. Maaaring makadagdag ang mga salik na ito sa mabilis na pagtaas ng lebel ng blood glucose.

(3) Pagbabago sa paraan ng pagtulog. Kung ang isang tao ay kailangan magtrabaho nang sobra, gugulo ang kanilang normal na routine sa pang-araw-araw. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring may epekto sa insulin sensitivity at lebel ng blood glucose.

(4) Pagbabago sa lebel ng aktibidad. Posible na kakaunti na lamang ang magiging panahon mo sa pagwo-work out kaysa noon.

Kung kukulangin sa pisikal na gawain, maaaring maging hindi mas sensitibo sa insulin, ibig sabihin kailangan ng mas maraming insulin upang manatili sa inirerekomendang range ng glucose. Maaari itong humantong sa insulin resistance at ang lebel ng blood glucose ay mas mahirap i-manage.

Maging maingat! Ang stress patungong burnout

Ang stressful na buhay na may Type 1 Diabetes ay maaaring maging sanhi ng distress, depression, at burnout. Narito ang ilang mga nakatutulong na paraan sa pag-handle ng diabetes distress at burnout.

(1) Gumawa ng sariling pace. Mabuti ang mga layunin para sa malusog na gawi. Panatilihin na realistiko ang iyong mga nais at magsimula nang dahan-dahan.

Kung nais mo pang mag-ehersisyo, hindi mo kailangan mag-ensayo na tulad ng isang atleta ngayon. Kung nais mong maglakad ng 30 minuto kada araw, magsimula sa 10 hanggang sa madagdagan. Mabagal, ngunit patuloy na dumadagdag!

(2) Magtrabaho nang isa-isa lamang. Mahihirapan ka trabahuhin lahat sa isang upuan.

Upang mapababa ang lebel ng stress, gumawa ng listahan ng mga bagay na kailangan na gawin at gawin ang mga ito nang isa-isa. Bigyan ng gantimpala ang sarili sa mga bagay na napagtatagumpayan.

(3) Kumausap ng mga taong namumuhay na may diabetes. Hindi ka nag-iisa sa pamumuhay na may parehong stress at diabetes. Maaari kang makahanap ng mga tao na makauunawa sa pinagdadaanan mo sa pamamagitan ng pagsali sa mga online diabetes community tulad ng dedoc (www.dedoc.org).

May mga alam ang iyong health care team na diabetes clubs or peer support groups na maaari mong salihan. Ang pagbabahagi ng iyong nasa isip at nararamdaman sa ibang tao ay maaaring magbigay sa iyo ng ideya sa kung paano harapin ang sarili mong problema at hamon sa buhay.

Ang diabetes care ay tungkol sa pag-aalaga ng kabuuan mong kalusugan, hindi laman ng pisikal na pangangatawan, ngunit pati na rin ang mental at emosyonal an estado.

Kung hindi mo aalagaan ang iyong isyu sa mental na kalusugan, maaari itong lumala kasama ng diabetes. Ang magandang balita ay, maaari tayong bumuti.

Pamumuhay kasama ng Stress at Diabetes: Paghahanap ng lakas at paghihikayat

Ang pagharap sa mga stress sa buhay ay pagharap sa mga problema na mas higit pa kaysa sa mga naranasan mo noon. Mas mainam na tanggapin ang iyong diabetes at alamin paano mamuhay kasama nito.

Alam mo ba na ilan sa mga mahuhusay na atleta, lider, at champions ay may Type 1 Diabetes ngunit naging matagumpay sa buhay?

Ang mga taong ito na naging matagumpay sa kanilang buhay ay maaaring tinitignan ang kanilang Type 1 diabetes na invisible element na nagpapalakas sa kanila, mas nagpapapursige, at nagiging determinado na malampasan ang mahihirap na problema at pagkabigo.

Ang pagyakap nang buo at pag-alam sa kondisyon ng isang tao ay ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin. Maaaring hindi ito madali.

Maaaring maging mahirap na iwasan ang mga nakagisnang stress, ngunit hindi ito imposible. Ang pag-unawa sa iyong Type 1 Diabetes ay makatutulong na matanggap ang mga pag-angkat at pagbaba ng journey ng may Type 1 Diabetes.

Maaaring maging mas handa tayo na harapin ang mga mahirap na sitwasyon kung malalaman natin kailan ito maaaring mangyari. Nariyan ang oportunidad na matuto at maging matagumpay. Alalahanin lamang, sa pamamagitan ng tamang kagamitan at suporta, maaari kang magtagumpay.

Icon Paunawa: