Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Pamilya at Relasyon ng may Type 1 Diabetes
Na-edit:
Ang pamumuhay na may Type 1 Diabetes ay maaaring magkaroon ng epekto sa iyong relasyon sa pamilya, mga kaibigan o sa iyong karelasyon.
Ang pagma-manage ng type 1 diabetes kasama ang pamilya, mga kaibigan o karelasyon ay magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa. Maaaring mas mapalapit at mas maging matatag ang inyong mga pagsasama.
Mahalaga na magkaroon ng regular at bukas na pakikipagkomunikasyon sa kahit na anong relasyon upang masuportahan ang bawat isa.
Ang pagiging malay sa mga epekto ng diabetes sa inyong relasyon at ang mga karaniwang isyu na maaaring lumitaw rito ay makatutulong sa pagma-manage ng maaaring mahihirap na sitwasyon sa inyong relasyon.
Pag-aaway sa Magkakapatid
Paano nakaaapekto ang diabetes, partikular sa magkapatid? Ang pagkakaroon ng type 1 diabetes ay pagkakaroon din ng higit na atensyon mula sa iyong mga magulang, tulad ng pagbisita sa ospital. Maaaring makaramdam ng kawalan ng atensyon o pagkalungkot ang iyong kapatid dahil dito.
Mas makararamdam na hindi nagiging patas kung ang mga miyembro ng pamilya ay maging istrikto sa iyo, tulad ng paglilimita sa kinakain mo at iba pang mga bagay upang maging maayos ang pagma-manage sa type 1 diabetes. Subukan na alalahanin sa ganitong sitwasyon na ang pinagmumulan nito ay ang pagmamahal ng inyong magulang at gusto nilang kayo ay manatiling malusog at masaya.
Isama ang iyong mga kapatid sa pagma-manage ng type 1 diabetes at yayain sila sa ospital. Makatutulong ito na mabawasan ang hindi magandang epekto ng diabetes sa relasyon sa pamilya.
Ibahagi sa kanila ang HelloType1 website sa Facebook page! Upang mas maunawaan nila ang type 1 diabetes at ang epekto nito sa iyo.
Hiwalay na magulang
Ang pagkakaroon ng hiwalay na mga magulang ay mahirap na sitwasyon sa kahit na sino. Mahirap na i-manage ito sa aspektong praktikal at emosyonal.
Kailangan mong siguraduhin na mayroon ka ng lahat ng mga gamot/gamit para sa pagma-manage sa diabetes. Dalhin ang mga ito sa parehong bahay ng iyong mga magulang. Makatutulong ang mga magulang mo sa ganitong pagkakataon.
Panatilihin ang record ng iyong blood glucose at ang doses ng insulin sa iyong diary upang ang parehong magulang mo ay magkaroon ng wastong impormasyon.
Extended na Pamilya
Kung ikaw ay diagnosed ng type 1 diabetes, natural para sa iyong mga lolo at lola, mga tiyahin, at tiyo, at iba pa na mabahala at mag-alala! Maaaring makabawas ito sa negatibong epekto ng diabetes sa relasyon ng pamilya.
Ang ilang mga miyembro ng extended family ay maaaring maguluhan kung ano ang type 1 diabetes lalo na kung mula sila sa ibang henerasyon/kultura.
Ibahagi sa kanila ang HelloType1 website sa Facebook page! Maaari silang magbasa o makinig upang matuto tungkol sa type 1 diabetes at kung gaano ito kahalaga sa iyo.
Minsan, mahirap na palaging dapat ipaunawa sa lahat ang tungkol dito kaya’t maaari mong gamitin ang HelloType1 upang makatulong sa iyo!
Romantikong Relasyon
Ang pagkakaroon ng medikal na kondisyon tulad ng type 1 diabetes ay hindi nangangahulugan na hindi ka na maaaring makipag-date o magkaroon ng romantic partner.
Maging totoo sa iyong partner tungkol sa iyong kondisyon, ang kanilang reaksyon ay magsasabi kung sila ba ay karapat-dapat sa iyo.
Humanap ng kapareha na bukas sa pagkatuto tungkol sa type 1 diabtes at magiging mapang-unawa rito. Susuportahan ka nila sa pagma-manage ng type 1 diabetes. Ito ay isa sa mga paraan ng pagma-manage ng epekto ng diabetes sa iba’t ibang relasyon.
Imbitahan sila sa mga pagpunta sa ospital at ibahagi ang HelloType1 website at Facebook page upang maisama sila sa pagma-manage ng iyong type 1 diabetes.
Kung nais mo, maaari kang magpakasal at magsimula ng pamilya tulad ng iba!
Kaibigan
Ang pagkakaroon ng type 1 diabates ay hindi nangangahulugan na hindi ka na magkakaroon ng mga kaibigan at hindi maisasama sa mga masasayang social events at activities!
Mahalaga ang pagiging totoo sa mga kaibigan at ang reaksyon nila sa pagkakaroon mo ng type 1 diabetes ang makapagsasabi kung mabuti ba silang kaibigan.
Sabihin sa iyong mga kaibigan ang tungkol sa pagma-manage ng type 1 diabetes, makatutulong sila upang alagaan ka sa panahong kinakailangan! Kailangan na sila ay marunong umunawa at sumuporta sa iyong kalagayan.
Ibahagi sa kanila ang HelloType1 website sa Facebook page upang mas matuto at maging maalam sila tungkol sa pag-manage ng type 1 diabetes.
Kahit na mayroong Type 1 Diabetes, maaari ka pa ring magkaroon ng malusog, masaya at mapagmahal na relasyon sa iyong pamilya, mga kaibigan, at partner sa buhay.
Tandaan na humingi ng tulong at tanggapin ang suporta ng iyong pamilya, mga kaibigan, partner at medical teams. Makababawas sila ng stress sa pamamgitan ng pagbabahagi sa kanila. Hindi ka nag-iisa.