Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Le Khuong: Matagumpay na Nalagpasan ang mga Hamon ng Type 1 Diabetes sa Vietnam

Na-edit:

Johanah Co

Type 1 Diabetes Advocate

“Noong mga unang buwan na may type 1 Diabetes ako, naging napakahirap ng pinagdaanan ko habang inaaral kung paano ko aalagaan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang dami ng insulin na dapat kong i-take at kung paano ko babantayan ang blood sugar ko batay sa payo ng mga doktor.” – Le Khuong

Si Le Khuong na residente ng Ho Chi Minh City (HCMC) sa Vietnam ay na-diagnose na may Type 1 Diabetes sa kanyang late 20s. Sa kabila ng mga hamong dulot ng sakit, inalam niya ang lahat tungkol sa sakit na ito at tinanggap ang suporta mula sa iba upang magtagumpay. Pinasalamatan ni Le Khuong ang suportang natanggap niya mula sa kaniyang pamilya at mga kaibigan at sinabing “Naging napakahirap at stressful para sa nanay ko ang paghahanap ng masustansyang pagkain para sa akin.” Sa kabila ng mga hamon, binigyang diin niya ang kahalagahan ng kaalaman at suporta nang sabihin niyang “Nakatulong sa akin ang pag-unawa tungkol sa Type 1 Diabetes para alam ko kung paano haharapin ang kondisyong ito.”

Malaki ang naitulong kay Le Khuong ng regular na pagpapatingin sa doktor at pagsunod sa tamang paraan ng pangangalaga sa sarili sa pagharap sa Diabetes. “Malaking tulong ang pagpapatingin ko sa doktor kada tatlong buwan,” banggit niya. “Kailangang sabay na matutunan ng mga magulang at kanilang mga anak ang tungkol sa Diabetes upang maging magkatuwang sila sa pagharap sa hamong ito.”

Ang pagtanggap at pag-adopt sa sitwasyon ang pangunahing susi sa laban na ito sa buhay ni Le Khuong. “Kalaunan, natutunan ko na kailangan kong kontrolin ang emosyon ko at magpagaling,” pagbabahagi niya. “Kapag okey na ang lahat, magagawa na natin ang mga kailangan.”

Sa kanyang adbokasiya kasama ang Action4Diabetes, nakahanap si Le Khuong ng dahilan upang makatulong sa iba at makapag-ambag sa komunidad. Hinikayat niya ang mga taong yakapin ang mga hamon at oportunidad na kalakip ng pagkakaroon ng Type 1 Diabetes. Naniniwala siyang ang pagtanggap at maagap na pag-manage ng type 1 diabetes ay lubos na mahalaga tungo sa masayang buhay.

Icon Paunawa: