Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Mas pinadali ang pagbibigalang ng Carbohydrate para sa pagma-manage ng Type 1 Diabetes
Na-edit:
Sa pagma-manage ng type 1 diabetes, mahalaga ang papel ng nutrisyon, maging ang pagkonsumo ng carbohyrates, dahil ang mga ito ay mahalagang pinagkukuhanan ng mga nutrisyon sa karamihan ng mga kinakain.
Nakatutulong ang pagbibilang ng carbohydrates sa pagpapanatili ng stable na lebel ng blood glucose. Ang optimal na lebel ng blood glucose na inirerekomenda ay nasa pagitan ng 70 at 180 mg/dl (3.9 at 10.0 mmol)L) para sa 70 percent ng araw.
Kung hindi natin ikokonsidera ang dami ng carbohydrates na kinakain kada araw, ang lebel ng ating blood glucose ay maaaring mapanganib na tumaas.
Sa kabilang banda, kung hindi tayo kakain ng sapat na carbohydrates, ang lebel ng ating blood glucose ay mapanganib na bumaba (kilala sa tawag na hypoglycemia).
Sa pagpapanatili ng rekord ng carbohydrates na kinakain natin, mas makokontrol natin nang mainam ang lebel ng blood glucose at maiiwasan ang mga problema na mangyayari sa pagtaas o pagbaba nito. Ang pagkakaroon ng sobrang taas na lebel ay may pangmatagalang negatibong epekto sa ating katawan.
Huwag mag-alala kung hindi ka mahusay sa Math! WELCOME TO THE CLUB!
Simulan sa paghingi ng tulong sa mga healthcare team, lalo na ang nutritionist, dietitian, o mga edukador sa diabetes, na makatutulong sa iyong proseso.
Magbibigay sila ng payo na mas swak sa iyong nais at sa iyong lifestyle. Matututo ka ng basics ng pagbibilang ng carb para sa diabetes mula sa mga eksperto. Sa umpisa, mukhang mahirap na unawain ang pagbibilang ng carboydrates, ngunit maraming mga kagamitan na available na makatutulong sa iyo.
Mahalaga na maunawaan ang uri ng carbohydrates at ang epekto nito sa lebel ng blood glucose. Mayroong dalawang basic na uri ang carbohydrates, simple at complex.
Ang simple carbohydrates, ay makikita sa mga matatamis, at mga matatamis na inumin, na maaaring maging dahilan ng agarang pagtaas ng blood glucose.
Gayunpaman, ang pagkain na whole-grain, mga gulay, mga beans ay mga magagandang halimbawa ng complex carbs, na mayroong banayad na epekto sa iyong lebel ng blood glucose.
Sa pag-alam ng pagkakaiba ng dalawang ito, mas madaling makapamimili ng mas masustansyang option sa grocery store.
Makatutulong ang mga visual tools kung susubukan na mag-estima ng dami ng carbohydrate. Maaari mong ma-estima ang dami ng prutas sa pamamagitan ng iyong kamay o dami ng pasta sa pamamagitan ng measuring cup.
Halimbawa, ang isang ga-kamay ay makatutulong na malaman kung gaano karaming kanin o pasta ang ilalagay sa plato.
Ang pamamaraan na ito ay nagbibigay sa iyo ng biswal na reperensya at makatutulong na ma-estima ang carbohydrates nang mas sakto sa iyong pagkain.
Sa nutritional label sa karamihan ng prepackaged na pagkain, makikita mo ang dami ng carbohydrates nila sa label bilang “carbs” at sinusukat gamit ang grams. Mas nakatutulong ito mapadali ang pag-track sa dami ng carbohydrates na iyong kinakain kung ikaw ay nagbibilang ng carb para sa diabetes.
Ang paraan na ito ay makatutulong kung lagi kang kinakailangang umalis at walang oras sa pagluluto.
Sa pamamagitan ng pagsusulat ng kung ano ang iyong kinain sa iyong food diary o paggamit ng app, maaari mong mai-track ang iyong progreso sa pagbibilang ng carbs para sa diabtes.
Madali rin na makita ang pattern at gumawa ng pagbabago sa iyong meal plan at schedule para sa insulin kung kinakailangan.
Sa pamamagitan ng paggamit ng food apps, mas madaling magbilang ng carbohydrates, lalo na kung susubok ng panibagong pagkain kung kakain sa labas.
Maraming mga app sa pagkain na nagpapakita ng dami ng grams ng carbohydrates, protina, fats, at fiber, kaya’t hindi mo kailangang magbilang.
Ang mga app na ito ay hahayaan kang mai-track ang dami ng carbs na kinakain mo sa isang araw at sasabihan ka kung iche-check mo na ang iyong blood glucose.
Mahalaga ang pagre-rekord upang malaman kung ano ang pinakamainam na pagkain at kung gagawa ng pagbabago. Ito ay nakatutulong na manatili ang optimal na lebel ng blood glucose sa pagitan ng 70 at 180 mg/dl o 3.9 at 10.0 mmol/L.
Sa paglipas ng panahon at sa pagpapraktis, maaari mong matutuhan ang pag-estima ng dami ng carbohydrates sa dami ng mga pagkain nang hindi tumitingin sa label o gumagamit masyado ng measuring tools.
Ang skills na ito ay makatutulong kung hindi possible ang pagsukat nang eksakto.
Isipin na ang pagbibilang ng carbohydrates ay panibagong kakahayan na maaari mong matutuhan at mas magiging magaling sa pamamagitan ng praktis at panahon.
Maging matiyaga at ugaliing nais matuto. Kada araw ay iba-iba. Ang pag-alam sa kung paano nagre-respond ang ating katawan ay malaking bagay.
Ang kakayahan na iestima at magbilang ng iyong carb araw-araw ay napapabuti sa pamamagitan ng pagpapraktis.
Maniwala sa sarili, MAGAGAWA MO ITO!
KAYANG MAGAWA ANG PAGBIBILANG NG CARBOHYDRATES
Hayaan na matulungan ka ng pagbibilang ng carb na mag-take charge sa pagma-manage ng iyong diabetes!
Ang mga taong may type 1 diabetes ay maaaring alam na ang tungkol sa pagbibilang ng carb na malaking tulong na kakayahan sa mas mahusay na pagma-manage ng ating blood glucose.
Kung alam mo ang planong ito, magiging mabuti ang iyong proseso ng pamamahala ng iyong diabetes. Alam mo bang hindi mo mama-master ang pagbibilang ng carbohydrates sa isang araw? Kinakailangan ng panahon upang subukan ang ibang mga bagay at alamin kung ano ang pinakamainam. Subukan nang pa-isa-isa lamang ang pagbabago upang makita kung paano nakaaapekto ang pagbabagong ito sa iyong blood glucose.
Huwag mahiyang manghinga ng tulong. May mga taong malalapitan sa paligid.
Maaari kang mas matuto pa sa pagsali sa mga community groups tulad ng HelloType1 sa Facebook at marami din ditong mga artikulo na available online.
Tandaan na mahirap na ma-manage ang lebel ng blood glucose kung hindi titignan kung gaano karaming carbohydrates ang kinakain. Maaari itong maging sanhi ng hindi magandang problema.
Tiyak na maaari nating maging bahagi ng pang-araw-araw ang pagbibilang ng carbohydrate upang maiorganisa nang mabuti ang pagma-manage sa diabetes.
Tumingin pa ng iba pang mga artikulo