Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Ang buhay kapag may Type 1 Diabetes: Pagtugon sa iyong nararamdaman
Na-edit:
Ang Type 1 Diabetes ay hindi lamang nakakaapekto sa iyong pisikal na kalusugan, kundi pati na rin sa emosyonal na aspekto ng isang tao. Lahat ng kabataang nasa wastong gulang na may T1D ay maaaring mag-alala patungkol sa magiging hamon nito sa pang-araw-araw na pag-aalaga ng kanilang kalagayan o kondisyon at ang epekto nito sa kanilang kinabukasan. Bilang kabataan o kabataang nasa wastong gulang, ito ang panahon sa iyong buhay na pinag-aaralan mo na kung paano tumayo sa sariling mga paa at pinagpaplanuhan ang susunod na yugto sa iyong buhay, tulad ng pagpili ng paaralan, pagtatrabaho at pagbuo ng pamilya.
Normal lang sa yugtong ito na makaramdam ng lungkot, galit o pagkadismaya dahil karamihan sa mga kabataan ay hindi kailangang harapin ang parehong pagsubok na kinakaharap mo. Ngunit tandaang habang nagiging mas independent ka at kontrolado ang T1D mo, mas mararamdaman mo ang normal na pamumuhay tulad ng ibang kabataan.
Minsan, sa pagharap mo sa lahat nang ito, maaaring makaramdam ka ng panghihina at magpanggap na parang wala o nawala na ang iyong kondisyon. Pero intindihin mo sanang ang pinakamainam na gawin ay tanggapin ito nang bukas-palad at ituring ang Diabetes bilang isang kaibigan, hindi isang kaaway. Ang sama ng loob at galit ay hindi nakatulong kanino man sa pangmatagalan. Kung hindi mo naman aalalahanin o pag-uusapan ang Diabetes, mas lalala lang ito.
Kaya wag kang maging masamang kaibigan. Maging mabuti at mapagmalasakit na kaibigan. Laging makipag-usap sa mga taong malapit sa iyo. Sa paraang ito, maiintindihan mo ang kondisyong ito at kung paano ito haharapin at makokontrol nang mabuti.
Kahit dumating ang panahong gusto mo nang maging independent sa mga magulang mo, tandaan mong lagi silang nag-aalala at nagmamalasakit pa rin para sa iyo. Pwede mong ibahagi sa kanila ang mga problema na pinagdadaanan mo. Pwede mong ibahagi sa kanila ang bigat na dinadala mo. Maaaring magsabay ang pagiging independent at pagkakaroon ng suporta.
sang malaking hakbang sa iyong buhay bilang type 1 diabetic ay ang pag-aaral kung paano tanggapin ang sitwasyon habang unti-unti kang nasasanay dito para manatili kang kontrolado sa buhay mo. Kung hindi mo ito patuloy na lalabanan at sa halip ay uunawain, mas magiging maayos ang kalagayan ng pag-iisip mo.
Hindi ka nag-iisa, subukan mong lumapit sa mga taong nakapalibot sa’yo at humingi ng tulong, suporta, at impormasyon. Ang kondisyong ito ay tungkol sa’yo!
Kung gusto mo itong agapan, gawin mo. Ang tanging bagay lang na nagpipigil sa’yo ay ikaw. Hindi mo man ito araw-araw na nararamdaman pero mas malakas ka sa kung anong inaakala mo. Kaya mong gumawa ng nakakamanghang bagay pero hayaan mo lang itong gawin ng sarili mo. Laging sumusunod ang katawan sa isip. Hindi ang kabaligtaran—hindi kailanman.
Normal lang na makaramdam ka ng halo-halong emosyon tungkol sa kondisyon mo, pero mahalagang masanay kang alagaan ang sarili mo at gawing parte ng araw-araw mong nakagawian ang pagkontrol sa diabetes mo. Maaari ka pa ring mabuhay nang normal tulad ng ibang Kabataan. Kailangan mo lang ng ilang simpleng nakagawian, gaya ng pagsisipilyo araw-araw! Kapag nasanay ka na sa mga ito, hindi mo na iisipin ang bigat ng pagkakaroon ng type 1 diabetes, at mas maiiwasan pa ang mga komplikasyon sa ngayon at sa hinaharap.
Habang tumatanda ka, maaaring gusto mong magsimulang mamuhay nang mag-isa at hiwalay sa pamilya. Ngunit upang magawa 'yan, mas kailangan mong maging responsable at aktibo sa pag-aalaga ng sarili mo at ng Type 1 Diabetes mo. Bigyan ng panahon ang sariling maiproseso lahat sa isip at harapin ang mga pagsubok isa-isa. Hindi mo kailangang magmadali. Hindi madaling baguhin ang nakasanayan mo na.
Ang kakayahang aysusin ang nakagawian mo sa bagong kapaligiran ang isa sa mga susi upang mabuhay nang responsable at makatayo sa sariling mga paa.
Habang tumatanda ka, maaaring gusto mong magsimulang mamuhay nang mag-isa at hiwalay sa pamilya. Ngunit upang magawa 'yan, mas kailangan mong maging responsable at aktibo sa pag-aalaga ng sarili mo at ng Type 1 Diabetes mo. Bigyan ng panahon ang sariling maiproseso lahat sa isip at harapin ang mga pagsubok isa-isa. Hindi mo kailangang magmadali. Hindi madaling baguhin ang nakasanayan mo na.
Ang kakayahang aysusin ang nakagawian mo sa bagong kapaligiran ang isa sa mga susi upang mabuhay nang responsable at makatayo sa sariling mga paa.
Pag-aalaga sa kalagayan ng iyong isip
Dahil hindi madaling mamuhay araw-araw na may type 1 Diabetes, minsan, mararamdaman mong parang ang bigat ng lahat ngunit normal lang ito.
Depresyon
Kung patuloy kang nakakaramdam ng lungkot na hindi nawawala, maaaring senyales ito ng depresyon. Mas madalas itong mangyari sa may Diabetes kaysa sa mga wala. kapag nalulumbay ka, maaaring makaramdam ka ng kawalan ng pag-asa o mawalan ng ganang maging positibo sa buhay. Minsan, mas pinipili mong umiwas sa ibang tao. Ngunit gusto kong ipaalala sa’yo na hindi ka nag-iisa. Mahalagang alam mo kung paano makilala ang senyales ng depresyon at agad itong ibahagi sa pamilya mo o doktor upang matulungan ka.
Pagkabalisa dulot ng Diabetes
Minsan, maaari kang makakaramdam ng inis, lungkot, guilt, o pag-aalala. Maaari mo ring ipag-alala ang ang posibilidad ng pagkakaroon ng hypoglycemia o iba pang komplikasyon. Kung hindi nawawala ang ganitong pakiramdam o tila ba nakakaapekto na ito sa pang-araw-araw mong buhay, huwag kang mag-atubiling makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Normal lang ang makaramdam ng ganito paminsan-minsan at hindi ka nag-iisa.
Damdamin at pagkain
Ang diabetes ay kailangan ng higit na pagtuon sa pagkain at diyeta. Nakaka-stress kapag kailangan mong pagtuan ng pansin kung ano ang dapat mo kainin. Karamihan sa mga tao ay kumakain ng marami kapag nakakaramdam sila ng pagka-stress at kaunti naman kung nanghihina sila. Ang pagkain ng iba’t ibang pagkain ay maaaring magkaroon din ng epekto sa iyong emosyon.
Minsan, maaari din itong maging higit na pagtuon sa timbang at imahe ng katawan. Ito ay maaaring humantong sa hindi maayos na pagkain na tinatawag na eating disorder. Isa itong seryosong isyu na nabubuo kapag ang isang tao ay may Type 1 Diabetes. Kung nahihirapan ka dito, mahalagang ipaalam mo ang alalahaning ito at kumuha ng suporta galing sa iyong diabetic care team.
Ang pagkakaroon ng Type 1 Diabetes ay nangangahulugan ng pagiging handa sa mga pagsubok. Kahit na nasanay ka na sa kondisyon mo, maaari ka pa ring makaranas ng ilang hamon. Halimbawa, maaaring tumaas o bumaba ang iyong blood sugar kahit na sinusunod mo ang payo ng iyong doktor.
Maging matiyaga at bigyang pansin ang magagandang bagay na maaaring mangyari, tulad ng pagiging kumpiyansa, matapang, at ipinagmamalaki ang iyong natutunan.
Ang positibong emosyon ay bahagi rin ng proseso ng pag-aadjust. Habang natututo kang mamuhay nang may Diabetes, maaaring maramdaman mo ang kumpiyansa, determinasyon, pag-asa, ginhawa, suporta, at oo, maging kasiyahan.
Kalaunan, magiging bihasa ka na sa pagkilala at pagharap sa iyong mga emosyon at pangangalaga ng iyong kalusugan. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng Diabetes ay maaari pang magturo sa iyo ng paraan kung paano harapin at pagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay na hindi kayang gawin ng maraming kabataan. Ngunit tandaan ito, ang kabataan ang pinakamahalagang yugto sa buhay ng sinumang may Type 1 Diabetes.
Ito ang panahon kung saan maraming pagbabago sa iyong katawan at ito rin ang panahon kung saan napakahalagang magkaroon ng kontrol sa asukal sa katawan kung nais mong maiwasan ang malulubhang komplikasyon ng Diabetes sa hinaharap.
Huwag matakot. Tanggapin mo lang ang katotohanang ito at gawin mo ang lahat upang makamit ang pinakamainam na paraan upang makontrol ang asukal sa iyong katawan. Ito lang ang magagawa nating lahat. Tulad ng dati, ang tanging hadlang sa iyo ay IKAW!