Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Strategy para sa personal na tagumpay sa bahay at trabaho para sa mga taong may Type 1 Diabetes
Na-edit:
Bilang isang propesyonal na namumuhay na may Type 1 Diabetes, paano mo mababalanse ang iyong trabaho at kalusugan?
Ang taong dapat na magsalita tungkol sa sarili niya, ay ikaw.
Ang pagtanggap sa iyonng sitwasyon at paniniwala na mamumuhay ka nang buo, normal, at masaya ay isa sa mga unang paraan.
Ang pag-aasikaso ng diabetes sa trabaho tulad ng pag-check ng blood glucose, pagkonsumo ng insulin, at pagpapanatili ng track sa kakainin, ay mukhang mahirap i-handle. Ngunit kung bubuo ka ng sound diabetes strategy, magagawa mo ang lahat ng mga ito, at marami pang iba.
Nasa ibaba ang ilan sa Type 1 Diabetes tips na maaari mong subukan. Maaari mong mahanap ang pinakamainam sa iyo sa pagitan ng trabaho at personal na buhay sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ibang mga tao at maagap na paggawa ng plano.
Nagbibigay ng stressed ang pagkakaroon ng Type 1 Diabetes kung iisipin mo lahat ng mga kailangan mong gawin.
Isa sa mga paraan upang magsimula ng epektibong diabetes strategy ay sa pamamagitan ng maliliit na step upang tulungan ka na masanay sa mga bagay at kalaunan ay magpapadali ng iyong buhay.
Ang unang bagay na dapat mong gawin ay magplano nang maagap. Ihanda ang iyong mga pagkain nang mas maaga at panatilihin ang iyong snacks o sweets sa madaling lugar na makukuha sa pagkakataon na bumaba ang iyong blood glucose.
Kailangan mo rin na siguraduhin na ang lebel ng iyong blood sugar ay stable sa buong araw sa pamamagitan ng pagpaplano kailan ituturok ang insulin base sa schedule ng trabaho.
Alam ng lahat na maaaring magbago ang buhay ng isang iglap, kaya’t kailan mo mag-adjust ng mga plano at i-manage nang mas maayos ang iyong diabetes.
Kung hindi maayos ang lebel ng iyong blood glucose, pakiusap na huwag matakot na magpahinga o kailangang baguhin ang mga bagay na dapat mong gawin sa trabaho upang bumalik ito sa normal.
Kaya’t mahalaga na unahin ang iyong sarili at ang iyong kalusugan.
Kahit na mahirap ang trabaho, mahalaga na alalahanin ang pag-inom ng gamot gaya ng sabi ng doktor, dalasan ang pag-test sa blood sugar, at bumisita sa iyong healthcare team para sa check-ups.
Magpahinga at mag-ehersisyo. Mainam ito sa iyong katawan, sa mga kaibigan, at sa iyong pakiramdam.
Ang sunod na step sa iyong diabetes strategy ay alamin kung paano mapagtatagumpayan ang iyong layunin at mga pangangailangan sa trabaho.
Ibig sabihin nito na maglaan ng espasyo sa iyong lamesa para sa mga pagkain tulad ng candy, insulin, glucose monitor, at test strips.
Siguraduhin na komportable ka kung saan ka magtuturok ng insulin kung gagawin mo ito sa araw ng trabaho.
Maging tapat sa mga katrabaho. Makararamdam ka ng mas ligtas at mas malaya.
Ang pagbabahagi sa mga katrabaho mo ng mga kinakailangan mo, nararamdaman, at maaaring mangyari ay mas magpapaunawa sa kanila ng Type 1 Diabetes, maging ang pagsagot sa kanilang mga katanungan.
Totoo ang bigat sa mental na aspekto na dulot ng pamumuhay ng may kondisyon na hindi magagamot, at kailangan itong ikonsidera sa iyong diabetes strategy.
Mahalaga rin ang iyong mental health tulad ng iyong pisikal na kalusugan, kaya’t alagaan ang iyong sarili kung nalulungkot, nas-stress, o nababahala.
Huwag magpatay malisya na wala kang diabetes, ngunit subukan na unawaain at tanggapin ang iyong nararamdaman sa ngayon.
Nakatutulong ito na mabawasan ang problema at mas gumaling sa pagharap sa tunay na problema. Kung hindi natin aasikasuhin ang tunay na isyu, mas lalala ang iyong kalusugan at stress paglipas ng panahon.
Tanggapin lahat ng iyong nararamdaman at ayusin ang mga ito sa pamamagitan ng magandang paraan tulad ng pag-ehersisyo, meditating, pakikinig sa musika, o paglalaan ng oras upang mag-relax.
Huwag matakot na humingi ng tulong kung nararamdaman mo na mabigat ang lahat. Nariyan ang iyong mga katrabaho, kaibigan, at pamilya upang suportahan ka sa mental na aspekto.
Maaaring humantong sa burnout ang patuloy na effort na kinakailangan ng mga taong namumuhay na may Type 1 Diabetes at magpapahirap sa pagma-manage ng diabetes.
Kaya’t huminga at kumonekta sa mga grupo ng mga lumalaban sa Type 1 Diabetes para sa suporta.
Ang paghahanap ng mga tao na pareho ang pinagdadaanan at ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay nagpapagaan ng kanilang nararamdaman at nagkakaroon ng pakiramdam na bahagi ng komunidad.
Magiging sulit ang oras sa paghahanap ng mga taong nakauunawa sa iyong nararamdaman at maaari ka pang tulungan. Hanapin ang iyong mga kauri, mahalin sila nang todo!
Sa dulo, huwag kalilimutan na ikaw ay isang tao na kinakailangan ng respeto at dignidad. Mayroon ka ring parehong karapatan tulad ng lahat ng nasa trabaho.
Makipag-ugnayan sa iyong healthcare team upang magkaroon ng plano kung sakaling kailangan mo ng papeles upang ipakita bilang karagdagang resorses.
Karamihan ng mga bansa ay pinapayagan na magsalita para sa sarili upang masiguro na ang iyong mga kinakailangan ay natutugunan at natatrato nang patas kung ikaw ay may Type 1 Diabetes.
Kahit na sa trabaho, personal na buhay, pagpaplano, pagtakda ng prayoridad, at pag-aalaga sa sarili ay kinakailangan na maunawaan at pahalagahan at kailangan na maging bahagi ng iyong diabetes strategy.
Laging tandan na ikaw ay kakaiba, at ang iyong paglalakbay kasama ng Type 1 Diabetes ay nagpapabago sa iyo upang maging mapabuti. Hanapin ang iyong yin at yang, hangarin ang balanseng buhay.
Mas madaling magpatianod sa buhay, tulad ng pagpapaanod sa alon ng karagatan, sa halip na labanan ang mga ito.