Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Nakatutulong ang Teamwork sa Pag-amange ng Diabetes sa Trabaho
Na-edit:
Makatutulong ang iyong determinasyon sa pag-manage ng diabetes sa trabaho.
Ang trabaho ay nangangailangan ng matinding effort at pagpupursige, ngunit kailangan mo ring mag-ingat sa iyong kondisyon na Type 1 Diabetes, kinalaunan.
Kaya’t ang daan na iyong tatahakin ay puno ng mga hamon at oportunidad, at ang isang bagay na makatutulong sa iyong paglalakbay ay ang network ng teammates na susuporta sa iyo.
Ang artikulo na ito ay may layunin na gabayan ka kung paano maging mas mabuting propesyonal at alamin paano pamahalaan ang parehong diabetes at trabaho. Magpopokus ito sa kung gaano kahalaga sa iyong teammates na maunawaan at kung paano ka nila susuportahan sa mapanghamon na panahon na ito.
Magpatuloy sa pagbabasa at tuklasin ang mga hakbang na dapat mong daanan sa mga hamon sa iyong harapan upang magtagumpay sa iyong tabaho.
Maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba kung ang teammates sa iyong paligid ay alam ang tungkol sa iyong Type 1 Diabetes, ano ang mga kailangan, at ang mga banta na kabilang nito. Ang pagkakaroon ng mga tao sa paligid mo na maaari mong maasahan ay malaki ang maitutulong sa iyo sa pag-manage ng diabetes sa trabaho.
Ang pagpapakita sa iyong teammates kung saan makukuha ang emergency tools tulad ng hypoglycemia kit (tulad ng juice, glucose tablets) at hyperglycemia kit (tulad ng insulin) at pagtuturo sa kanila paano mag-check ng iyong blood glucose ay nagbibigay sa iyo ng kaligtasan sa trabaho.
Ang pagbuo ng ligtas na kapaligiran kung saan maalam sila sa kung paano reresponde sa iyong kondisyon, tulad ng hypoglycemia o hyperglycemia na sintomas ay makatutulong para sa kanila na maging handa para sa emergency na sitwasyon.
Ang pagdadala ng iyong diabetes emergency kit kasama ng pre-packed sugary drinks, blood glucose test kits, at ibang supplies ay ang unang hakbang na kinakailangan ng iyong teammates upang matulungan ka kung kinakailangan.
Maaari mo ring sabihan sila ng dagdag na impormasyon at mga bagay na hindi pa nila alam tungkol sa nangyayari sa iyo.
Syempre, maaaring magkaroon ka ng sinok sa oras ng trabaho kaya’t mahalaga na ikaw ay handa.
Maglaan ng matatamis na pagkain o inumin sa iyong lamesa o sa karaniwang lugar para sa mga hindi inaasahang pangyayari ng mababang lebel ng blood glucose.
Isa sa mahalagang bagay na dapat alalahanin tungkol sa pagma-manage ng iyong diabetes sa trabaho ay kung mayroon kang parating na mahabang meeting. I-check ang iyong lebel ng blood glucose upang malaman kung kailangan mo ba ng snack. O kumonsumo ng insulin gaya ng inirekomenda sa iyo ng iyong healthcare team.
Ipaalam sa iyong teammates ang lahat ng mga ito: kung saan nakatago ang matatamis na pagkain, ano ang gagawin sa emergencies, at ang posibilidad na pagkain sa mahabang meetings.
Ang iyong mga pinagkakatiwalaang teammates ay nariyan upang tulungan ka. Alam nila kung anong gagawin, kung kailan mo kinakailangang doblehin ang pag-check sa iyong lebel ng blood glucose o magsabi kung kailangan mo ng snack.
Tandaan ang iyong karapatan sa trabaho at ano ang maaari mong hingin. Huwag malungkot tungkol dito. Bilang isang taong namumuhay na may Type 1 Diabetes, mayroon kang mga tiyak na kinakailangan na dapat mong matugunan kada araw.
Maaaring tungkol ito sa iyong pangangailangan sa pagkain, pagpunta sa banyo, o tulong upang magturok ng insulin.
Kung mayroong pagkain sa canteen ang inyong lugar sa trabaho, maaaring may mga tiyak na pagkain na kailangan kang iwasan at sabihan ang inyong kompanyo tungkol dito dahil mahalaga ang diet sa pagma-manage ng diabetes sa trabaho.
Mahalaga rin ang restroom break sa mga taong may Type 1 Diabetes at ang pagpapaalam sa iyong teammates o boss tungkol dito ay makatutulong na maunawaan nila ang iyong pangangailangan.
Sa huli, walang masama sa pagtatarak ng insulin sa iyong sarili sa trabaho. Kung binu-bully o pinapahiya ka ng iba, sabihin ito sa nakatataas o sa human resources staff. Maaari hindi maging madali ang pagpapaunawa sa kanila. Ang pagbabahagi ng mga kaugnay na materyales tungkol sa Type 1 Diabetes ay maaaring magandang panimula.
Maaaring alam na ng iyong teammates at nauunawaan na nila kung gaano kahalaga ang pagtuturok ng insulin para sa pagma-manage ng Type 1 Diabetes, lalo kung hinikayat mo silang magkaroon ng bukas na komunikasyon sa trabaho.
Kaya’t mahalaga na magkaroon ng bukas na pakikipagkomunikasyon, magkaroon ng inisyatiba, at magkaroon ng rasonableng kahingian.
Ang tamang kapaligiran ay hahayaan kang lumago at tutulungan sa pag-manage ng diabetes sa trabaho. Kung pinahahalagahan ka ng iyong mga katrabaho at nagiging malakas ka, makatutulong sila sa iyong paglago sa maraming aspekto.
Ang teammates na nauunawaan ka at nakahihikayat sa iyong journey, ay nagpapalago ng iyong tiwala sa sarili at pakiramdam na kabilang sa trabaho.
Tandaan na kailangan na gawin ng bawat isa ang kanilang bahagi upang magkaroon ng magandang lugar sa pagtatrabaho na maaari kang maging ikaw at lumago.
Makatutulong ka sa iyong workplace na mas maging maalaga sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong kwento, ang pagbibigay sa iyong teammates ng mga makatutulong na impormasyon tungkol sa kondisyon, at pagpapakita kung gaano ka katatag sa pamumuhay na may Type 1 Diabetes.
Hayaan silang maging hangin na tutulong sa iyong paglipad upang marating ang pangarap habang kinahaharap ang Type 1 Diabetes. Maaaring mahirap, ngunit panghabangbuhay itong karanasan na maaaring maraming matutuhan mula rito.