Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Ang Kahalagahan ng Suporta sa mga Taong Namumuhay na May Type 1 Diabetes
Na-edit:
Ang mahalagang bahagi ng healthcare ay mabuting komunikasyon, lalo na sa pag-aalaga ng pangmatagalang hindi nagagamot na kondisyon tulad ng Type 1 Diabetes.
Napakahalaga ng mga healthcare workers at caregivers sa mga taong namumuhay nang may Type 1 Diabetes. Nagbibigay sila nang higit pa sa alagang medical; nagbibigay rin sila ng emosyonal na suporta para sa mga taong may diabetes.
Ang emosyonal na kalusugan ng mga tao na may Type 1 Diabetes ay maaaring labis na magbepenisyo mula sa pagtaas ng kamalayan sa wikang ginagamit ng caregivers at healthcare professionals na sumusuporta sa kanila.
Ang mga taong may Type 1 Diabetes ay maaaring magkaroon ng mataas na kalidad ng buhay na direktang nagreresulta sa paggamit ng wika.
Ang wikang ginagamit ay maaaring manghikayat at magbigay inspirasyon sa kanila upang magpatuloy sa kanilang treatment plan at makamit ang kahit na anong naisin nila.
Mapanghamon na kondisyon ang Type 1 Diabetes na naiimpluwensyahan ng maraming salik. Maaaring higit sa kapasidad ng pag-iisip ng tao upang manatili sa nagbabagong mga salik.
Mainam para sa mga healthcare professionals at caregivers na huwag sisihin o pahiyain ang mga taong may Type 1 Diabetes kung may problema sila tulad ng pagtaas ng lebel ng blood glucose at iba pang mga komplikasyon.
Mas nakabubuti kung mag-aalok sila ng tulong na nakakikitaan ng kabutihan, pagmamahal, pagkakaroon ng empatya, pag-unawa, at kawalan ng panghuhusga.
Halimbawa, mayroong malaking pagkakaiba na sasabihin na “Ayos lamang na magkamali minsan, pag-usapan natin kung paano mas pipili nang mas ayos na pagkain sa susunod” sa halip na “Dapat kang kumain ng mas masustansya.” Ito ay isa sa mga magandang paraan upang magbigay ng suporta sa mga tao na may diabetes.
Ang mga salitang nagpapasama sa kalooban sa mga tao ay nagpapababa rin ng kanilang tiwala sa sarili, nagpapasama ng mental health, at nagpapahirap na mapanatili ang lebel ng blood glucose.
Upang mapanatili ang mabuting pakiramdam sa sarili ng mga pasyente, mas mainam na gumamit ng person-centered language na naghihiwalay sa isang taong may Type 1 Diabetes, tulad ng “mga taong namumuhay na may Type 1 Diabetes” o “taong may diabetes.”
Ang mga gagamiting salita ay nagpapabuti sa pakiramdam ng mga taong namumuhay na may Type 1 Diabetes at mas nakakaramdam na empowered, kaysa talunan. Sila ang mga taong maaaring mamuhay sa likod ng kanilang Type 1 Diabetes.
Isa pang paraan upang magbigay ng suporta sa mga taong may diabetes ay sa pamamagitan ng empatya. Ang empatya ay isa sa mga mahalagang bahagi na nagbibigay suporta sa pakikipag-usap.
Ang mga taong nagtatrabaho sa health care at nag-aalaga ng mga taong may Type 1 Diabetes ay maaaring nais na matutuhan ang tungkol sa mental at pisikal na isyu na kanilang kinahaharap araw-araw.
Marami ang maaaring magbago sa pakiramdam ng mga taong may Type 1 Diabetes kung ang kanilang healthcare team ay nagsasalita nang mga bagay na nakapagpaparamdam sa kanila na sila ay may pakialam.
Sa halip na sabihin na, “Kailangan mong kontrolin ang iyong blood glucose,” subukan na sabihin na, “Nauunawaan ko na mapanghamon ang pag-manage ng blood glucose, ngunit narito kami upang tulungan kang humarap ng sitwasyon.”
Ang ganito kaliit na pagbabago sa mga salita ay nagpapakita na nais mong tumulong, gumabay, at suportahan ang taong may Type 1 Diabetes at ang kanilang mga hamon sa buhay.
Ang pagma-manage ng Type 1 Diabetes ay nangangailangan ng maraming pang-araw-araw na gawain, tulad ng pag-check sa lebel ng blood glucose, pagbibigay ng insulin, at pagpili ng mga tamang pagkain.
Kailangan magbigay ng malinaw na panuto ang mga healthcare professionals at caregivers at magbigay ng positibong reinforcement sa halip na magbigay ng mga hindi nakatutulong at hindi magandang komento at tanong.
Sa halip na sabihin na, “Hindi tama ang ginagawa mo sa insulin doses,” maaari kang magbigay ng emosyonal na suporta sa pagsasabing, “Pagtulungan natin na magkaroon nang maayos na pagtatakda ang insulin doses mo para sa mas maayos na lebel ng blood glucose.”
Ang pamamaraan na ito ay nagbibigay ng motibasyon sa mga tao upang magtulungan at nakapagbibigay sa taong may Type 1 Diabetes ng kakayahan na maging involved sa sarili nilang pag-aalaga.
Para sa mga taong may Type 1 Diabetes, huwag mahiyang magtanong at magsabi ng mga inaalala, kailangang magkaroon ng ligtas na komunidad sa pamamagitan ng supportive na komunikasyon. Isa rin ito sa mahalagang paraan upang magbigay ng suporta sa mga taong may diabetes.
Maaaring aktibong magpalaganap ng aktibong komunikasyon ang caregivers at health care professionals.
Pakiusap na huwag hulahan kung ano ang nasa isip at nararamdaman ng mga taong may type 1 diabetes. Sa halip, tanungin sila, “Anong mga tanong mayroon ka tungkol sa iyong treatment plan?” at, “Ano ang nararamdaman mo tungkol sa pagma-manage ng iyong diabetes?”
Ang paraan na ito ay nakabubuo ng sense of teamwork at nakasisiguro na naririnig ang boses ng taong may Type 1 Diabetes.
Ang #languagematters movement ay nagpakita ng maraming mga pag-aaral tungkol sa komunikadad ng diabetes kung gaano kahalaga ang komunikasyon sa paraang positibo at empowering.
Ang pagharap sa Type 1 Diabetes ay mahabang journey na tatagal panghabambuhay at puno ng pagsubok at tagumpay kada araw. Malaki ang maitutulong nang maayos na pundasyon.
Makapag-aangat ito ng kanilang kahalagahan at tiwala sa sarili na tatagal, at susuportahan ang kanilang tagumpay.
Ang mga taong nag-aalaga at nagtatrabaho kasama ang mga taong may Type 1 Diabetes ay maaaring kilalanin at bigyan ng papuri ang kanilang mga napagtatagumpayan, kahit na ito man ay malaki o maliit.
Halimbawa, kung ang pasyente ay pinanatili ang kanilang lebel ng blood glucose sa goal range sa loob ng isang linggo, sabihan sila ng “Pinahanga mo ako sa iyong dedikasyon at commitment sa pagpapanatili ng lebel ng iyong blood glucose sa range. May magandang resulta ang iyong pagpupursige.”
Masarap sa pakiramdam na marinig ang mga ito at isa rin ito sa mga paraan upang magbigay ng emosyonal na suporta sa mga taong may diabetes. Ang mga taong may Type 1 Diabetes ay mas bubuti ang pakiramdam na alagaan ang kanilang mga sarili at maging ang mga nasa paligid nila. Malay mo, maaaring ang mabuting gawi mo ay makatulong sa kanila #payitforward patungo sa iba pang tao.
Ang pagkakaroon ng supportive conversation sa pamamagitan ng akmang wika ay labis na nakakatutulong na instrumento sa pakikipagkomunikasyon sa mga taong may Type 1 Diabetes.
Ang pagkakaroon ng empatya, non-stigmatizing language, malinaw na panuto, bukas na pakikipagkomunikasyon, positive framing, at pagkilala ay nagpapabuti sa kahit na sinong taong may Type 1 Diabetes sa aspektong pisikal, mental, at emosyonal.
Sa pamamagitan ng akmang pagpili ng mga salita at pagbibigay ng patuloy na suporta, makatutulong ito sa mga taong may Type 1 Diabetes na harapin ang hindi nalulunasan na kondisyon nang may tiwala sa sarili at katatagan, upang mapabuti ang kalidad ng buhay.
MAHALAGA ANG WIKA sa mga taong may diabetes. Upang mamuhay nang matiwasay nang may Type 1 Diabetes, kailangan natin na alamin ito nang sama-sama.