Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Buhay ng may Type 1 Diabetes sa Pagkain at Ehersisyo

Na-edit:

Johanah Co

Type 1 Diabetes Advocate

Kamusta ang Buhay ng taong may Type 1 Diabetes?

Posible bang ma-enjoy ang buhay nang may type 1 diabetes? Gaano ito ka-karaniwan?

Naisip mo na siguro ito.

Noong nabasa ko ang mga tanong na ito, napahinto ako at napaisip.

Sa taong 2023, namumuhay ako na mayroong type 1 diabetes sa loob ng mahabang 22 taon. Nami-miss ko rin ang buhay ko noon bago ako nagkaroon ng type 1 diabetes. Ang buhay ng taong may type 1 diabetes ay tulad ng pagsagwan sa alon: minsan masaya, minsan, nakakapagod.

Masasabi ng iba na, “WALANG PARAAN na magiging masaya ang mabuhay nang may type 1 diabetes! UGGGHH!”

Tignan natin. Mag-relax at magpatuloy sa pagbabasa.

Unang beses marinig ang Type 1 Diabetes

Hindi ko alam ang salitang Type 1 diabetes noong maliit pa ako dahil bibihira lang ako bumisita sa ospital. Wala akong malay na ang ospital ay magiging hang-out place ko.

Ang pag-upo sa opisina ng doktor na masama at mahina ang pakiramdam, habang papikit-pikit ang mga mata maya’t maya ay nag-iwan sa akin ng BLANKONG ISIPAN.

Nakaramdam ako na NAWAWALA AKO SA SARILI. ANONG NANGYAYARI SA AKIN?! Agad na tinurukan ako ng doktor sa kamay, at nagpakita ng resulta na masyadong mataas ang aking blood glucose.

Sunod nang mamalayan ko na tinuturukan ako ng… “INSULIN ITO,” sabi ng doktor. Nagtanong akong muli, “Ano ito?” Sumagot ang doktor ko, “May type 1 diabetes ka. Kailangan mong maturukan ng insulin.”

Akala ko noong una, nagbibiro lamang ang doktor ko. NGUNIT HINDI, kaya’t nakinig ako. Mahirap at stressful para sa akin na makinig tungkol sa type 1 diabetes. Handa na akong umuwi.

Nasasabik na akong umuwi dahil hindi ko ma-absorb lahat ng mga impormasyon na ibinabahagi tungkol sa diabetes. Binigyan ako ng doktor ko ng bag na maraming mga needles, test strips, at mga prescriptions. Nasa isip kong, “ISA NA NAMAN ITONG SCHOOL PROJECT, NGUNIT AKO ANG SUBJECT.”

Pagturok

Sa type 1 diabetes, hindi maiiwasan ang pagturok ng insulin.

“ANG PATULOY KONG TANONG sa Genie ay, “Kailan kaya ako hihinto na maturukan? Syempre, lumiliit na ang mga karayom, kinalaunan, ngunit mawawala ba nang simple ang type 1 diabetes sa buhay ko?”

“Hindi kayang gumawa ng magic ni Mr. Genie. Malungkot ako hindi dahil sa pagkakaroon ng type 1 diabetes dahil pakiramdam ko, iba ako sa mga kaibigan ko. Nakaramdam ako ng pag-iisa dahil ako lang ang estudyante na namumuhay na may type 1 diabetes.

“Minsan, pipili ako kung maglalagay ako ng insulin sa klase o sa loob ng banyo. Dahil hindi ko gustong mag-akyat at panoog sa banyo at maglakad sa pasilyo ng eskwelahan, tinutusok ko na lang ang sarili ko at naglalagay kahit saan akong lugar mapadpad.”

“Nasanay ako sa pagturok nito sa publiko at nakakita ng mga komento na “Nakakalungkot, nakaawa” dahil dito. Sa totoo lang, nakakainis na marinig ang mga komento na ito.”

“Naiinis ako sa sinasabi ng iba. Nahihirapan akong tanggapin ang buhay ko na may type 1 diabetes at kinaaawaaan ng tao. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na may type 1 diabetes sa buong buhay ko, liban na lamang kung magkaroon ng lunas. Kahit na gaano kaliit o kahaba ang karayom, ang pagturok ng insulin ay kahit kailan ay hindi naging problema. Dahil ang type 1 diabetes ay mukhang mahirap dahil sa stigma na nakabuhol dito, nakikinita ko na mahihirapan ako na magpatuloy sa buhay na may type 1 diabetes.

Pagkain

“Wow. Hindi ako makapaniwala sa kung gaano kabilis na nagbago ang pantry sa loob ng kusina, isang linggo nang malaman kong mayroon akong type 1 diabetes.”

“Tinanong ko ang aking mga magulang, nasaan ang mga karaniwan kong chichirya? Ano itong bago kong mga pagkain? Nasa Mars ba ko? Pwede ba tayong kumain na lang sa labas kaysa laging kumakain dito sa bahay?”

“May sumunod na nangyari. May appointment ako sa nutritionist. Nablanko ako nang makita ang mga numero at ang measuring cups. HALA! ITO NA BA ANG BAGO KONG BUHAY?!!”

“Hindi ako makasabay. Tinignan ko ang mahabang listahan ng kailangan kong gawin. Ano ba dapat ang mauna? Kailangan kong isipin kung ano ang kakainin ko, magbilang, at turukan ang sarili. O kailangan ko munang tignan ang lebel ng blood glucose ko, tapos..?

“Hindi ko rin alam gaano karaming insulin ang dapat kong ibigay sa sarili ko kung sasalisi ako nang kain ng chichirya. Tataas ang blood sugar ko dahil dito. Tapos, magbabago ang mood ko.”

“Mula sa mga ito, nakumbinsi ako na, okay, kailangan kong matutuhan ang pagbibilang ng carbohydrate upang ma-manage ang pagtaas at pagbaba ng blood glucose. Kailangan ko ng reference para mapanatili ang blood glucose mula sa sobrang pagtaas at pagbaba.”

Ehersisyo

Sobrang nae-enjoy ko ang sports. Ngunit kapag naglalaro ako ng sports, nagkakaproblema ako sa mabilis na pagbaba ng blood glucose, na tinatawag na hypoglycemia.

Ang hindi ko gusto sa pag-work out ay kailangan kong kumain kahit na hindi naman ako nagugutom, para lamang gamutin ang diabetes. Kapag bumaba ang blood glucose ko, parang lindol sa buo kong katawan ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ayoko nito. Pakiramdam ko, gumuguho na ang mundo ko.

Kapag bumaba nang sobra ang aking blood glucose, nahihirapan din akong malaman kung paano ima-manage ang timbang dahil kailangang kumain ulit.

Matapos ang maraming trial and error, napagtanto ko na kailangan munang i-check ang blood glucose ko bago ang lahat. Ito ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang hypoglycemia at hyperglycemia.

Madalas, ang page-ehersisyo ay masarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko, lahat ng cells sa aking katawan ay gumagalaw. Masarap sa pakiramdam sa parehong ulo at katawan.”

“Kapag nag-e-ehersisyo kakailanganin ko rin ng mas kaunting insulin kaysa sa mga karaniwang araw na hindi ako nag-e-ehersisyo.”

Sa ngayon, masaya ba ako kasama ang aking type 1 diabetes?

“Hindi ko na mabilang ang type 1 diabetes trial and error ko. Araw-araw ay iba-iba. Kung hindi maayos ang araw na ito, maaaring bukas maging maayos.”

“Ang alam ko ay, nakatutulong ang pagbibilang ng carbs sa pagbabago ng aking blood glucose dahil alam ko kung gaano karaming insulin ang kailangan kong ibigay sa sarili ko.”

“Sa pag-ehersisyo ko nang regular, bumubuti ang aking pakiramdam. Dahil lahat ng may type 1 diabetes ay iba-iba, ang pinakamainam upang makuha ang pinakamagandang resulta ay ilapat ang iyong pag-aalaga sa sarili depende sa iyong pangangailangan.”

“Hindi problema sa akin ang pagturok sa publiko. Kahit na anong sabihin ng lipunan, pinahahalagahan ko ang pagkatuto sa aking sarili na may type 1 diabetes.”

“Ang pagkakaroon ng type 1 diabetes ay may espesyal na bahagi sa aking buhay dahil tinulungan ako nitong lumago. Maaari tayong maging malakas tulad ng malalim at bughaw na alon sa karagatan. May mga pagkakataon na aanurin tayo, ngunit maaari pa rin tayong bumangon.”

“At OO, maaari pa rin tayong SUMAYA habang may type 1 diabetes, dahil KAYA NATIN!”

Icon Paunawa: