Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Screening sa Komplikasyon ng Type 1 Diabetes

Na-edit:

Anne-Charlotte Ficheroulle

Pharmacist, Education Manager, A4D

Bakit mahalaga ang screening para sa mga komplikasyon ng Type 1 Diabetes?

Ang screening para sa mga panganib at komplikasyon ng sakit ay nagsisimula sa mismong araw na matukoy na may Type 1 Diabetes ka. Mahalaga itong isagawa at maunawaan dahil ang maagang pagtuklas ng mga komplikasyon ay nagbibigay-daan sa mabilis na aksyon upang mapabagal ang paglala nito.

Alamin kung gaano kadalas kailangang magpatingin para sa mga komplikasyon ng diabetes at kung anong maaari mong asahan sa bawat pangyayari ng pagsusuri.

Screening kada tatlong buwan.

Kailangang regular na suriin ng iyong diabetes care team ang sumusunod:

- Timbang at Tangkad: Upang matiyak kung nananatili kang nasa malusog na kalagayan.

- HbA1c Test: Sinusukat nito ang average na level ng glucose sa dugo sa loob ng nakaraang tatlong buwan. Mahalagang mapanatili itong mababa sa 7.5% (58 mmol/L).

Maraming pasilidad ang hindi makapagbigay ng regular na HbA1c test para sa lahat ng may Type 1 Diabetes. Hangga’t maaari, subukang makapagpa-HbA1c test kahit isang beses kada taon.

Taunang Screening

Ang iyong diabetes care team ay magbibigay sa iyo ng appointment upang tingnan ang mga pinaka-karaniwang komplikasyon. Kung may makita silang problema, maaari nilang irekomenda ang mas madalas na pagsusuri na ginagawa at mga kinakailangang hakbang para maiwasan ang paglala nito.

- Presyon ng Dugo sinusukat upang matukoy kung may altapresyon, na maaaring makaapekto sa iyong mga ugat at puso.

- Screening sa Mata: sinusuri ang iyong paningin upang makita kung may retinopathy, katarata, o glaucoma na maaaring makaapekto sa iyong paningin.

- Screening sa Paa: sinusuri ang iyong mga paa sa pamamagitan ng pisikal na eksaminasyon at pagtatanong upang matiyak na walang komplikasyon.

- Screening sa kalagayan ng atay: gamit ang ihi at dugo, susuriin ang albumin at creatinine levels upang malaman kung maayos ang kalagayan ng iyong atay.

- Screening sa Blood Lipid: sa pamamagitan ng blood test, titingnan ang iyong cholesterol level upang matiyak kung nasa normal na antas ito.

Pag-iwas sa mga Komplikasyon ng Type 1 Diabetes

Bukod sa regular na pagsusuri para sa mga komplikasyon ng diabetes, mahalaga rin ang paggawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga ito bago pa man mangyari.

Narito ang ilang mahalagang bagay na dapat tandaan:

- Pag-isipan ng mabuti ang pagkain na iyong kakainin. Ang pagbabawas ng timbang ay may malaking papel upang makontrol ang iyong diabetes kaya mahalaga na kumain ng masustansyang pagkain at iwasan ang hindi masustansyang pagkain. Ganun din kahalaga ang dami ng iyong kinakain. Kapag kumain ng marami, pwede itong magdulot ng pagtaas ng blood sugar, kapag konti naman, maaaring maging dahilan ito ng pagbaba ng blood sugar, kaya mahalaga ang tamang pagkontrol sa dami ng kinakain.

- Manatiling malusog at magkaroon ng aktibong pamumuhay. Ang pisikal na aktibidad ay nakakabuti sa katawan. Ang pag-eehersisyo ng 30 minuto sa isang araw ay makakatulong sa mga diabetic upang manatiling malusog, at binabawasan ang posibilidad na mga komplikasyon katulad ng altapresyon at sakit sa puso. Magandang ideya ring kumonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ka ng payo kung anong ehersisyo ang mabuti para sa iyo.

- Laging bantayan ang iyong blood sugar. Ang pag-monitor sa iyong blood sugar ay magandang paraan upang malaman kung nakokontrol mo nang maayos ang iyong diabetes. Kadalasan, papayuhan ka ng doktor kung kailan mo dapat i-check ang iyong blood sugar, kaya mas mabuti kung susundin ang kanilang rekomendasyon. Siguraduhing isulat ang mga nakuha mong resulta upang ipakita sa iyong doktor at pareho niyong malaman kung nakokontrol mo ang iyong diabetes nang tama.

- Tigilan ang paninigarilyo at umiwas sa alak. Ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay parehong masama para sa mga may diabetes. Ang alak ay maaaring magpataas ng blood sugar ng isang may diabetes nang hindi nila namamalayan at ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng lung cancer, sakit sa puso, at iba pang problema. Kung umiinom ka at/o naninigarilyo, mas mabuting itigil na ito agad.

- Sumunod sa payo ng iyong doktor. Sa ngayon, ang pinakamahusay na paraan upang makontrol ang iyong diabetes at maiwasan ang komplikasyon ay ang pagsunod sa mga rekomendasyon ng iyong doktor. Siguraduhing sundin ang kanilang rekomendasyon pagdating sa gamot na iyong kailangan, ang dosage ng insulin na kailangan mo at iba pa. Ang iyong doktor ay iyong panghabambuhay na kasama pagdating sa pangangalaga ng iyong kalusugan at mapanatili ang mataas na kalidad ng buhay.

Key Takeaways

Maaaring maging banta sa buhay ang mga komplikasyon ng Type 1 Diabetes, lalo na kapag napabayaan. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga may diabetes na sumailalim sa regular na screening upang malaman kung sila ay nasa panganib na mga komplikasyon. Bukod dito, kailangan din ng mga may diabetes na gumawa ng hakbang upang makontrol nang maayos ang kanilang diabetes at maiwasan ang mga komplikasyon sa simula pa lang.

Sagutan ang pagsusulit sa screening ng komplikasyon ngayon!

Icon Paunawa: