Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Si Yati: Pagiging Matatag at Pagsunod sa mga Kinakailangan upang Makontrol ang Type 1 Diabetes sa Myanmar

Na-edit:

Anne-Charlotte Ficheroulle

Pharmacist, Education Manager, A4D

“Una sa lahat, nang malaman ko ang diagnosis sa akin, na-admit ako sa ospital. Sa totoo lang, wala akong masyadong reaksyon nang una kong malamang mayroon akong Type 1 Diabetes, pero medyo depressed ako dahil kailangan kong magturok ng insulin palagi,” pagbabahagi ni Yati, isang matatag na babae mula sa Myanmar.

Haluhalong emosyon ang naramdaman ni Yati Yati dahil sa pagkakaroon niya ng Type 1 Diabetes. Nahirapan siya sa simula dahil sa palagiang pagtuturok ng insulin, ngunit kalaunan ay nakahanap siya ng paraan upang pagaanin ang kanyang nararamdaman. “Maliit na problema ito para sa akin. Mas itinuturing ko ito bilang isang mental health issue. Gaya ng sinabi ko kanina, medyo depressed ako, ngunit nakayanan ko naman. Natutuhan ko kasi na kung aalagaan ko palagi ang sarili ko, magiging malusog ako. Hindi ito nakamamatay na sakit. Hindi ito cancer, brain tumor, at iba pa, kaya nakahinga ako nang maluwag.

Pinangungunahan ng ina ni Yati ang suportang natatanggap niya, na may mahalagang epekto sa pagkontrol niya ng diabetes. “Ang nanay ko ang unang-unang sumusuporta sa akin. Tinuruan niya ako kung paano kumain at mabuhay. Binibigyan niya rin ako ng praktikal na mga payo.”

Mahalagang bahagi rin ng routine ni Yati ang regular na pagpapatingin sa doktor. “Tinitignan ko ang HbA1C bawat tatlong buwan. Sinusunod ko ang schedule na ibinibigay sa akin ng mga doktor. Dahil nakapupunta ako nang regular sa klinika, napapanatili kong kontrolado ang aking blood sugar.”

Binigyang diin ni Yati ang kahalagahan ng masustansya at regular na pagkain. “Kung kakain ako nang regular at iiwas tayo sa matatamis na pagkain at inumin, magiging kaibigan natin ang Type 1 Diabetes.”

Malinaw ang mensahe niya sa ibang may parehong kondisyon: “Hindi ito para mawalan kayo ng pag-asa. Kung palagi ninyong aalagaan ang inyong sarili at mabubuhay kayo sa kung paano ninyo nais mabuhay, naniniwala akong magkakaroon kayo ng malusog at masayang buhay kahit na may Type 1 Diabetes kayo. God bless you.”

Patunay ang naging buhay ni Yati sa kapangyarihan ng suporta ng kapwa, regular na pangangalaga sa sarili, at positibong pananaw sa pagkontrol sa Type 1 Diabetes. Nagsilbing inspirasyon sa iba ang karanasang ito ni Yati upang yakapin ang kanilang kondisyon tungo sa mas masayang buhay.

Icon Paunawa: