Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Lifestyle ng Pagbibilang ng Carbohydrate, Nagpapanatili ng Stable na Lebel ng Blood Glucose
Na-edit:
Kinakailangan ng estretehiya sa pagharap ng type 1 diabetes, at ang pagbibilang ng carbohydrates ay isa sa mga kinakailangang SMART TOOL.
Ang kahalagahan ng pagbibilang ng carbohydrate para sa diabetes ay magpapadali ng pag-manage ng lebel ng blood glucose sa pagtingin kung gaano karaming carbohydrates ang nakokonsumo natin.
Maaari din tayong mas makapamili ng mainam na kakainin kung malay tayo sa kung gaano karaming carbohydrates meron dito.
Makatutulong ang paraan na ito na malaman ang dose ng tamang insulin, na hahantong sa mas stable na lebel ng blood glucose.
Kapag mayroon tayong mas stable na lebel ng blood glucose, mas mabuti ang magiging pakiramdam.
Ang carbohydrates, kasama ng protina at fats, ay ang mga primarying nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Kahit na nakapagpapataas ng blood glucose ang carbohydrates, kailangan pa rin natin ito dahil ito ay pinagmumulan ng enerhiya ng ating katawan.
Ang mga carbohydrates ay sugars, fibers, at starches na makikita sa mga pagkain tulad ng grains, prutas, beans, gulay, at ibang mga produktong dairy. Ang mga ito ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya para sa ating cells, tissues, at organs.
Kung kumain ang isang tao ng mayaman sa carbohydrate na pagkain, ang digestive system ay tinutunaw ang pagkain na nagiging sugar, na dumadaloy sa dugo. Kung kakain tayo ng pagkain na may carbohydrate, mabilis na tataas ang blood glucose natin. Kaya’t mahalagang bahagi ang pagbibilang ng carbohydrate.
Sa mga taong may type 1 diabetes, ang pagpapanatili ng lebel ng blood glucose ay maaaring palagiang hamon dahil ang pancreas ng katawan ay hindi na nagpo-produce ng insulin.
Kung gagamit tayo ng estratehiya sa pagbibilang ng carbohydrate, mas mayroon tayong kalayaan sa pagkain ng iba’t ibang pagkain dahil mas makapamimili tayo.
Kapag maalam sa pagpipiliang pagkain, mas mae-enjoy ang mga ito nang may kaalaman sa kung paano ang mga tiyak na pagkain ay nakapagpapataas ng lebel ng blood glucose.
Ang paggamit ng estratehiyang pagbibilang ng carbohydrates ay mas makapagpapadali ng buhay ng mga taong may type 1 diabetes at makapagbibigay sa iyo ng kaalaman at kalayaan sa kung anong kakainin at gagawin nang may moderasyon.
Mahalaga ang pagbibilang ng carbohydrates dahil nagbibigay ito ng flexibility sa pagma-manage ng type 1 diabetes.
Kung naging bihasa sa pagbibilang ng carbohydrates, makakain mo na ang paborito mong pagkain.
Mae-enjoy mo na ang iba’t ibang pagkain at maia-adjust mo ang dose ng iyong insulin base sa dami ng carbohydrates na planong kainin.
Mas nakababawas din ang pagbibilang ng carbs ng mataas na blood glucose (kilala sa tawag na hyperglycemia) at mababang blood glucose (kilala sa tawag na hypoglycemia) na maaaaring maranasan.
Sinusuportahan ng mga doktor, edukador sa diabetes, dietitians, at ibang mga propesyonal sa kalusugan ang konsepto ng pagbibilang ng carbohydrate dahil nagpapabuti ito ng kalidad ng pagpapagamot ng mga taong may diabetes.
Kung nakatatangap tayo ng maayos na pag-aalaga sa ating diabetes, mas hindi tayo magkakaroon ng problema o komplikasyon kinalaunan. Ang lahat ng ito ay sumusuporta sa kahalagahan ng pagbibilang ng carbohydrates para sa diabetes.
Mahalaga na makipag-ugnayan sa nutritionist, dietitian, o edukador sa diabetes, dahil maayos ka nilang magagabayan at mapapayuhan sa mga paborito mong nais kainin.
Maaari mong gamitin ang iyong kamay upang ma-estima ang dami ng iyong kakainin. Mas makatutulong ito lalo kung ikaw ay kumakain sa labas.
Halimbawa, sa kamaong sukat, nagsusukat ka na tulad ng isang cup. Kung ang puting kanin ay kasing dami na tulad ng iyong kamao, gaano karaming carbohydrates sa tingin mo ito, at gaano karaming insulin ang kakailanganin mo?
Ang isang cup ng kanin ay nasa 30 grams ng carbohydrates, at ang insulin na kailangan rito ay nakadepende. Mainam na konsultahin ang iyong healthcare team upang malaman ang insulin sensitivity.
Ang pag-alam ng dami ng carbohydrates na kinakainin mo ay nakatutulong na magdesisyon sa dami ng insulin units na kakailanganin mong iturok. Ito rin ang isa pang sitwasyon na mahalaga sa pagbibilang ng carbohydrate sa diabetes.
Isa pang tip ay ang pagbabasa ng nutritional labels sa mga likod ng packaged foods. Mas mabilis at mas swak itong paraan ng pagbibilang ng carbohydrates.
Noong una kong nalaman ang tungkol sa pagbibilang ng carbs, mahirap para sa akin na maunawaan paano susukatin at bibilangin ang cabohydrates sa iba’t ibang pagkain.
Dahil hindi ko alam ang eksaktong nilalaman ng carbohydrates sa lahat ng pagkain, pinanatili ko ang mga pagkaing sanay na akong kainin upang alam ko kung gaano karami ang ituturok kong insulin.
Inire-rekord ko ang mga kinakain ko sa pamamagi
Tumingin pa ng iba pang mga artikulo