Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Unawain ang Ilang Kaalaman Tungkol sa Nutrisyon at Carbohydrates

Na-edit:

Anne-Charlotte Ficheroulle

Pharmacist, Education Manager, A4D

Bakit kailangan nating kumain at ano ang carbohydrates?

Napakahalaga ng kinakain natin dahil nagbibigay ito sa ating katawan ng mga sustansyang kinakailangan upang manatiling malusog.

Binubuo ng tatlong mahahalagang sustansya ang ating pagkain: carbohydrates, fats at protina, at iba pang maliliit na sustansya tulad ng mga bitamina at mineral. Kailangan din nating uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.

Ano ang nagagawa ng mga sustansyang ito:

- Carbohydrate: pangunahing pinagmumulan ng enerhiya para sa utak at katawan

- Protina: tinutulungan ang growth at repair tissues ng katawan

- Fats: nagbibigay ng enerhiyang tumutulong sa paglaki at sa pisikal na aktibidad

- Bitamina at Mineral: nire-regulate ang paggana ng katawan at pinapanatiling malusog ang katawan

Pag-unawa sa carbohydrates upang mapanatiling maganda ang level ng glucose sa dugo.

Hindi mo kailangang iwasan ang lahat ng carbohydrates. Ngunit mahalagang matutuhan kung paano kakain ng tamang dami ng carbohydrates at matukoy kung ano ang good at bad carbs na maaaring makasama sa iyong Diabetes.

Ang good carbs tulad ng mga berdeng dahon at gulay ay may likas na asukal na nakapagpapataas ng level ng glucose sa dugon nang mabagal.

Ang bad carbs naman tulad ng mga panghimagas o matatamis na inumin ay mabilis na makapagpapataas ng level ng glucose sa dugo.

Sa pamamagitan ng matalinong paraan ng pagbalanse ng carbohydrates, insulin at ehersisyo, magiging kasiya-siya sa inyo ang pagkain at mapananatili ang malusog na pangangatawan.

Saan kami makakakuha ng carbohydrates?

- grain at starch: tulad ng bigas, mais, noodles, patatas, kalabasa, o gabi

- Gatas at dairy products: tulad ng gatas ng baka at soya

- Prutas: papaya, mangga, pinya, pakwan o orange

- Non-starchy vegetables: talong, kamatis, pipino, madadahong gulay o mushroom

- Matatamis na pagkain at inumin: tulad ng coca cola, fruit juice, matatamis na gatas, kendi, cake, at sitsirya.

Mapanganib ang fast sugar food! Pinatataas nito ang glucose sa dugo nang sobrang taas!

Glycemic index

Matapos kumain, ang itinatagal para magawa ng katawang i-convert ang carbohydrates at maglabas ng glucose sa daluyan ng dugo ay magkakaiba, depende sa uri ng carbohydrate at sa pagkaing nagtataglay nito.

Ilan sa mga pagkaing may carbohydrate ay nagiging sanhi ng mabilis na pagtaas ng glucose sa dugo. May iba namang mabagal lang.

Ang glycemic index ay sumusukat kung gaano kabilis at kung gaano kataas ang level ng glucose sa dugo dahil sa kinain.

Mas mabilis na napatataas ng mga pagkaing may mas mataas na index values ang asukal sa dugo kaysa sa mga pagkaing may mababang glycemic index.

Makikita sa ibaba ang glycemic index ng mga pagkain, prutas, at gulay na mas madalas kinakain sa Vietnam:

Yellow category – kumain pa

Orange category – kumain lang nang kaunti

Red category – subukang iwasan o kumain lamang batay sa inirerekomenda

Karagdagan sa paghahanda ng balanseng pagkain na may carbs, protina, at fats, mapapanatili mo ang magandang level ng glucose sa dugo sa pamamagitan ng:

- tiyaking nasusukat ang glucose sa dugo araw-araw (mga apat na beses kada araw)

- maglaan ng 30 minutong pag-eehersisyo araw-araw

- tiyaking may sapat kang insulin sa tamang oras o panahon

- planuhin ang masustansyang pagkain ayon sa inirerekomenda ng doktor o nars na dami ng carbohydrate

Key Takeaways

May mahalagang gampanin ang mga pagkain pagdating sa pagkontrol ng Diabetes. Kailangang palaging bantayan ng mga Diabetic hindi lamang ang kanilang kinakain, kundi maging ang dami o laki na kanilang kinokonsumo. Ang pagkain ng sobra o kaunti ay hindi makabubuti sa iyong diabetes, kaya’t tiyaking kumain ng sapat at tamang dami upang matiyak na makakakuha ka ng sustansyang kinakailangan ng iyong katawan.

Pagdating sa carbohydrates, mahalagang tandaan na hindi lahat ng carbohydrates ay masama. Ang masusustansyang mapagkukunan ng carbs tulad ng mga gulay o madadahong pagkain ay mabagal na makapagpapataas ng carbohydrates. Sa kabilang banda, kailangang umiwas ng mga diabetic sa matatamis na inumin at panghimagas dahil mabilis nitong napatataas ang sugar sa dugo.

Mahalaga rin para sa mga diabetic na palaging mag-ehersisyo dahil makatutulong ito sa pagkontrol ng sugar sa dugo. Ang hindi bababa sa 30 minuto na araw-araw na pag-ehersisyo ay malaki ang maitutulong sa pagpapanatili ng magandang kalusugan.

Panghuli, tiyaking kumonsulta sa doktor sa kung paano mo higit na mapapangalagaan ang sarili at makontrol ang diabetes. Malaki ang maitutulong ng mga payo at rekomendasyon ng iyong doktor upang mapanatiling kontrolado ang iyong kondisyon. Ang pakikipagtulungan sa inyong doktor ay mahalaga sa pagpapanatili ng mataas nak alidad ng buhay sa kabila ng pagkakaroon ng diabetes.

Sagutan ang pagsusulit sa nutrisyon ngayon!

Icon Paunawa: