Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Alak at type 1 diabetes
Na-edit:
Ang alak ay karaniwang ginagamit bilang recreational drug. Mabibili nang legal depende sa iyong edad at lokasyon.
Pakiusap na basahin ang inyong mga local na batas tungkol sa pagkonsumo ng alak at ang legal na edad sa pag-inom nito.
Tulad ng lahat ng droga, ang alak ay may banta, at mayroon itong negatibong epekto sa kalusugan ng bawat isa, pangangatawan, at relasyon.
Ang pag-inom ng sobrang alak ay maaaring humantong sa hindi maayos na pagdedesisyon at mas pagiging vulnerable.
Ang koneksyon sa pagitan ng type 1 diabetes at alak ay kung mayroon kang Type 1 Diabetes, maaari ka pa ring uminom ng alak ngunit mas mataas ang banta sa na hindi maging stable ang iyong lebel ng blood glucose.
Mahalaga na malaman ang tungkol sa mga banta na upang maiwasan at malayo sa mapanganib na mga sitwasyon.
Maaaring maapektuhan ng alak ang lebel ng iyong blood glucose, na maaaring humantong sa hypoglycemia.
Ang iba’t ibang uri ng alak ay nakaaapekto sa blood sugar sa iba’t ibang paraan, halimbawa ang beer at sweet wine ay maraming carbohydrates na nakapagpapataas ng blood sugar. Ang matatapang na alak (hal. whiskey, vodka, at gin) ay maaaring maging sanhi ng hypoglycemia. Kaya’t mahalaga na maging maingat sa alak ng mga may type 1 diabetes.
Sa pag-inom mo ng alak, aakalain ng iyong atay na ito ay nakalalason kaya’t kailangan niya itong iproseso.
Karaniwang naglalabas ang iyong atay ng kaunting glucose sa iyong daluyan ng dulog na kung saan ang iyong long-acting insulin ay binabalanse ito.
Habang ang iyong atay ay abala sa pagtanggal ng alak sa iyong katawan, hihinto ito sa pag-release ng glucose na hahantong sab anta ng hypoglycemia habang umiinom ng alak.
Ang lebel ng iyong blood glucose ay maaaring umangat muna mula sa sugar na mayroon sa mga alak at baba kung magsisimula na ang atay sa pagproseso ng alak.
Maaaring hindi mo mapansin at ng iyong mga kaibigan ang senyales at sintomas ng hypoglycemia dahil tulad lang ito ng pagiging lasing.
Ito ang nagpapahirap sa iyong mga kaibigan na malaman ang hypoglycemia at maaaring hindi mo ito namamalayan. Mapanganib ito dahil maaaring hindi ka matulungan nang maagap.
Ang mga senyales at sintomas ng hypoglycemia ay kabilang ang panginginig, pagpapawis, pagkahilo, sakit ng ulo, pag-iyak, pagiging irritable, pagkagutom, pagkalito, pagbilis ng tibok ng puso at ang pamamanhid ng mga labi at daliri.
Kung nararamdaman ang mga sintomas na ito, kailangan mong i-check ang iyong lebel ng blood glucose. Kung ito ay <4mmol/L/72 mg/dl agarang lunasan ang hypoglycemia sa pamamagitan ng pagkain ng snacks na kinakailangan mo.
Para sa mas marami pang impormasyon sa kung paano malalaman at malulunasan ang hypoglycemia, tignan ang artikulo rito.
Isang mahalagang tip tungkol sa type 1 diabetes at alak ay kailangan mong i-check ang iyong blood glucose bago, habang, at pagkatapos uminom.
Dahil mas may banta ka ng hypoglycemia kung nasa labas ka lalo na kung ikaw ay sumasayaw o mas aktibo kaysa sa karaniwan.
Siguraduhin na may kahit isang tao na alam na mayroon kang Type 1 Diabetes at alam kung paano gamutin ang hypoglycemia at paalalahanan ka na i-check ang lebel ng iyong blood glucose.
Kumain ng carbs bago uminom at huwag uminom nang walang laman ang tiyan.
Patuloy na kumain ng snacks na may carbs kada ilang oras habang umiinom ng alak.
Isa pang mahalagang bagay na dapat tandan tungkol sa type 1 diabetes at alak ay kailangan mong uminom nang mabagal, ikaw ang magtakda ng pag-inom mo at ikonsidera ang pag-inom ng isang baso ng tubig kada tapos ng paglagok ng alak.
Alamin ang dami ng carbohydrate ng alak na iinumin.
Ang iba’t ibang halong alak ay maaaring makapagpataas ng lebel ng blood glucose matapos ang pag-inom. Mainam na iwasan ang mga ganitong inumin dahil mahirap malaman ang sugar content nito.
Huwag huminto sa pagkonsumo ng insulin.
I-check ang lebel ng iyong blood glucose bago matulog.
Kumain ng snack bago matulog at tandan na ang katawan ay patuloy na pinoproseso ang alak kahit na tapos nang uminom.
Magtakda ng alarm at magsabi sa isa sa miyembro ng pamilya na i-check ang lebel ng blood glucose sa gabi.
Manatiling hydrated sa mga susunod na araw at patuloy na i-monitor ang lebel ng blood glucose at kumonsumo ng insulin gaya ng karaniwan.
Huwag uminom ng alak kung hindi mo gusto, o kung nape-pressure sa pag-inom nito. Ang type 1 diabetes at alak ay mahirap i-manage, kaya’t kung maiiwasan na uminom ng alak, huwag uminom nito.
Kung ang pagkontrol ng iyong diabetes ay nagbabago at nakaranas nang madalas na pagtaas at pagbaba ng bloog glucose, kung may kondisyon sa nerve o may sira ang mata na may kaugnay sa Type 1 Diabetes, kung labis ang timbang, mainam na iwasan o ilimita ang pag-inom ng alak.
Kahit kailan, huwag uminom ng alak nang walang laman ang tiyan. Laging siguraduhin na mayroon kang carbohydrate sa kinakain o sa snack bago uminom ng alak.
Kahit kailan, huwag uminom nang mag-isa. Sabihan ang kaibigan na nakakaalam ng iyong Type 1 Diabetes. Maaari ka nilang bantayan kung magpasya kang uminom.