Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Drugs at Type 1 Diaebetes

Na-edit:

Kara Winney

Former Project manager HelloType1, A4D

Ano ang drugs?

Ang drugs ay chemical substance na kinokonsumo ng katawan, at nababago nito ang paraan ng pag-iisip at katawan ng tao. Maaari itong ikonsumo para sa medical na lunas o recreational na dahilan.

Recreational Drugs

Ang paggamit ng recreational drugs ay ang paggamit ng chemical substance para sa kasiyahan. Ang mga alak, sigarilyo, at kape ay maaaring iuri bilang recreational drugs.

Ang recreational drug ay gamot na kinokonsumo ng mga tao nang walang medikal na rason. Tinatawag din ito ng ilang mga tao na ‘party drugs’ halimbawa ay marijuana, cocaine, at amphetamines. Ang ganitong uri ng drugs ay illegal sa karamihan ng mga bansa sa buong mundo.

Pakiusap na tignan ang batas at regulasyon sa inyong lokal na lugar tungkol sa paggamit nito.

Maaari naramdaman mo na gusto mong sumubok ng drugs para sa kasiyahan lamang o pine-pressure ng mga tao sa paligid mo.

Ang paggamit ng recreational drugs ay may mapinsala at nakasasamang epekto sa iyong katawan at utak, lalo na kung ikaw ay may diabetes; maaari din itong negatibong makaapekto sa iyong pag-aaral, trabaho, at social life. Maaari ka nitong mapahamak sa batas. Mahal din itong gawi na hahantong sa dagdag na pinansyal na isyu. Kung ikaw ay may diabetes, ang kombinasyon ng recreational drugs at diabetes ay maaaring magkaroon ng maraming mapaminsalang epekto sa iyong kalusugan.

Ilagay ang table rito.

Kung ang isang tao ay may problema sa drugs, maraming paraan upang humingi ng tulong.

Recreational Drugs at Diabetes

Isa sa malaking banta ng pagsasama ng recreational drugs at diabetes ay kung gagamit ka ng droga, mas makalilimutan mo ang pagkonsumo ng insulin o makakalimutan mong kumain at uminom. Ito ay agarang hahantong sa nakamamatay na sitwasyon. Ibig sabihin nito, may mas mataas kang banta ng pagkakaroon ng mataas na lebel ng glucose at pagkakaroon ng diabetes ketoacidosis (DKA) o maging sanhi na ang iyong internal organs ay hindi na gumana. Kung mayroon kang sintomas tulad ng pananakit ng tiyan, amoy prutas na hininga, kakapusan sa paghinga, pagsusuka o dehyradtion, kailangan mong agarang magpatingin sa doktor.

Maaari din itong maging dahilan kung bakit mo nararanasan ang seryosong komplikasyon sa diabetes, ngunit hindi napapansin o walang ginagawa tungkol dito dahil gumamit ka na ng drugs.

Basahin pa rito ang tungkol sa komplikasyon at pagma-manage ng hypoglycemia/hyperglycemia.

Kailangan mong laging tandaan ang mga sumusunod:

Alamin kung ano ang kinokonsumo. Magbasa ng epekto ng gamot bago magpasya na subukan ito at talakayin ito sa iyong doktor.

Huwag gumamit ng isang drug na hindi siguro kung ano ito.

Huwag gumamit ng kahit na anong drug nang mag-isa. Kung ikaw ay gagamit ng drug, laging dapat may kasama na hindi kokonsumo nito at pinagkakatiwalaan mo. Alam dapat niya na ikaw ay may Type 1 Diabetes at kung anong gamot ang iyong ikokonsumo.

Maging ligtas at komportable sa kapaligiran.

Huwag itigil ang pagkonsumo ng insulin maging ang pagtingin ng lebel ng blood glucose.

Mariin naming ipinapayo na huwag kumonsumo ng recreational drugs dahil ang mga ito ay hindi ligtas at maaaring maging sanhi ng maraming problema sa iyong kalusugan, adiksyon, sa trabaho at mga relasyon sa mga kaibigan at pamilya.

Kongklusyon

Ang recreational drugs at diabetes ay hindi magandang kombinasyon. Maliban sa mga posibleng negatibong epekto sa kalusugan, maaari ding maging sanhi nito ang pagkalimot na ikonsumo ang insulin o maaaring magkamali ng dose na ituturok. Maaari itong maging sanhi ng seryosong problema sa kalusugan na maaari namang hindi mangyari kung iiwasan ang paggamit ng kahit na anong drugs.

Ang epekto ng drugs sa diabetes ay hindi mo malalaman, at kung gumamit ng drugs, maaari kang malagay sa mapanganib na sitwasyon. Kaya’t ang pinakamainam na gawin ay iwasan ang pagsasama ng recreational drugs at diabetes.

Icon Paunawa: