Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Ang buhay ni Athirah: Pagtatagumpay Laban sa Type 1 Diabetes
Na-edit:
“Isang napakahabang paglalakbay ang mabuhay ng may Type 1 Diabetes sa loob ng 35 taon,” sabi ni Athirah, isang maalagang ina, asawa, at medical doctor mula sa Selangor, Malaysia. Sa kabila ng mga hamon, nakakukuha siya ng lakas mula sa suportang natatanggap niya at sa mga medical technology advancement tulad ng insulin pumps.
Bahagi na ng buhay ang pagkontrol sa level ng blood sugar,” naisip ni Athirah. “Bukod sa diabetes, lahat tayo ay may pangarap at nais matamo sa buhay.” Binigyang diin niya ang kahalagahan pagtanggap sa mga oportunidad, pakikipagsapalaran, at paghahanap ng paraan kung paano mababalanse ang buhay sa kabila ng walang kasiguraduhang bukas.
“Ang talagang nagtutulak sa akin upang magpatuloy ay ang pagiging palaging positibo,” pagbabahagi ni Athirah. Kapag stress ka, makapagdudulot ito ng hormonal imbalance at makaaapekto sa level ng glucose sa dugo. “Kapag napalilibutan ako ng mga taong may positibong pananaw at nasa maayos akong kapaligiran, natutulungan ako nitong maging masigla at nagiging dahilan upang manatili sa tamang level ang glucose ko.”
Mula sa araw-araw na pag-inom ng kape hanggang sa pagtugon sa trabaho at pagiging ina ng dalawang masisiglang bata, ang buhay ni Athirah ay isang patunay ng katatagan. “Sa buhay, minsan nasa itaas ka, minsan ay nasa ibaba,” wika niya, “ngunit dahil sa pananampalataya at paglalagay ng hangganan sa mga bagay, natutulungan ako nitong manatiling nasa tamang landas.”
“Ang paniniwala sa aking sarili ang susi,” tugon ni Athirah. “Pag-usapan natin ang bawat araw nang may tapang, katatagan, at pagmamahal. Tayo ang bayani sa sarili nating mga kuwento!” Ang hindi matatawarang positibong pananaw ni Athirah ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng may hinaharap ding mga pagsubok sa buhay. Ipinapaalala nito sa ating lahat na sa pamamagitan ng matinding determinasyon, pasensya, at positibong pananaw, makakaya nating lagpasan ang anumang balakid sa ating landas.