Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

COVID-19 at Type 1 Diabetes

Na-edit:

Kara Winney

Former Project manager HelloType1, A4D

Mga kailangan mong malaman tungkol sa COVID at diabetes

Ang pagkakaroon ng Type 1 Diabetes ay hindi nangangahulugang mas maaari kang magkaroon ng COVID-19. Ito ay karaniwang misconception tungkol sa COVID at diabetes.

Base sa kasalukuyang siyentipikong pananaliksik, walang ebidensya na ang mga taong may Type 1 Diabetes ay mas mataas ang banta ng pagkakaroon ng COVID-19.

“Lahat ay maaaring magkaroon ng COVID-19 at kailangan na sundin ang mga alituntunin at abiso ng iyong lokal na medical team at ng pamahalaan. Kabilang dito ang pagiging maagap sa panahon ng pagbabakuna at pasusuot ng mask kung kinakailangan.”

Ang pancreas ay gumagawa ng hormones na tinatawag na insulin na nakatutulong sa glucose na pumunta sa cells ng katawan. Nagbibigay ito sa ating katawan ng enerhiya na kakailanganin nito upang mabuhay.

Pinahihirapan ng virus ang pag-manage ng lebel ng blood glucose kaya’t nagkakaroon ng banta para sa diabetic ketoacidosis (DKA).

Kung naranasan ang mga sumusunod na sintomas, pakiusap na kontakin ang iyong doktor:

Kung naranasan ang mga sumusunod na sintomas, pakiusap na kontakin ang iyong doktor:

-pagsusuka

-pagtatae na mas higit sa 6 na oras

-kakapusan ng hininga

-lagnat na hindi nawawala matapos ang ilang araw

-nakararanas ng hypoglycaemia

Ano ang mangyayari kung mayroon kang diabetes at nagkaroon ng COVID?

-I-monitor ang iyong lebel ng blood glucose nang mas madalas, kada 4 na oras. Ito ay sa kadahilanan na ang COVID at diabetes ay nakaaapekto sa katawan sa parehong pagkakaton, kaya’t kailangan mong mas alalahanin ang iyong lebel ng blood glucose.

-Maging maingat sa mga senyales na maaaring magdulot ng diabetic ketoacidosis.

-Kung nagsusuka, kontakin ang iyong doktor, at agarang magtungo sa ospital.

-Huwag itigil ang paggamit ng insulin!

-manatiling hydrated!

Maging maingat sa mga gamot na iinumin upang lunasan ang sintomas ng COVID-19 dahil makaapekto ito sa lebel ng iyong blood glucose:

-Higit sa insulin, maraming mga over the counter (OTC) na gamot na nakaaapekto rin sa lebel ng blood glucose.

- Maging malay – Maraming mga syrup sa ubo sa market ang naglalaman ng asukal, na nakapagtataas ng lebel ng blood glucose. Humanap ng sugar-free na syrup o tableta bilang alternatibo.

-Ang mga gamot na nakaiibsan at nagpapahihinto ng sipon ay nakapagpapataas din ng lebel ng blood glucose.

-Maging maingat sa epekto ng mga gamot tulad ng Aspirin, (painkiller) nagpapababa ng lebel ng blood glucose ang madaming dose nito at kailangan ding maghinay-hinay sa paggamit ng Ibuprofen (anti-inflammatory) dahil nagpapataas ito ng posibilidad ng epekto ng insulin sa hypoglycaemic.

Basahin pa upang malaman kung paano ima-manage ang sick day na may Type 1 Diabetes.

Kailan ka magtutungo sa ospital kung mayroon kang COVID at diabetes?

Kung masama talaga ang iyong pakiramdam dahil sa COVID 19:

Sa COVID-19, pinapaalala ng mga doktor na humingi ng tulong kung nahihirapan huminga, patuloy ang pagsakit ng dibibd o may pressure rito, naguguluhan o nawalan ng malay o mayroong blue na mga labi at mukha.

Maging vigilante sa pagpapanatili ng normal na range ng blood glucose, dahil ang pagtaas ng lebel ng blood glucose ay nagdudulot ng pagbaba ng kalusugan para sa mga nagkaroon ng COVID-19.

“Kung nadala sa emergency room, mahalaga na mabanggit na ikaw ay may Type 1 Diabetes.”

Kung sa tingin mong mayroon kang Diabetic Ketoacidosis (DKA):

Kung nag-aalala ka na mayroon kang napapansing mga senyales ng diabetic ketoacidosis, huwag maghintay at agarang manghingi ng tulong.

-Ang mga sintomas ng diabetic ketoacidosis ay kabilang ang; labis na pagkauhaw at madalas na pag-ihi, pagkakasakit, sakit sa tiyan, amoy prutas na hininga, antukin o naguguluhan at nawawalan ng malay.

-Kung iiwanang walang lunas, ang diabetic ketoacidosis ay maaaring humantong sa pagkamatay.

Icon Paunawa: