Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Pagkontrol sa Hypoglycemia: Ano ang dapat malaman ng mga may Type 1 Diabetes?

Na-edit:

Anne-Charlotte Ficheroulle

Pharmacist, Education Manager, A4D

Ano ang Hypoglycemia?

Ang hypoglycemia ay nangyayari kapag bumaba nang husto ang blood glucose level. Ang antas ng blood glucose ay ang dami ng asukal sa dugo. Maaaring makaranas ng seryosong mga sintomas kapag sobrang bumaba ang blood glucose level na kakailanganing gamutin agad.

Ang mga taong may Type 1 Diabetes ay kailangang bantayan ang kanilang blood glucose para hindi ito tumaas o bumaba nang sobra.

Paano malalaman kung may hypoglycemia?

Iba-iba ang mga sintomas ng mababang antas ng blood glucose depende sa tao at sa bilis ng pagbaba nito.

An mga senyales ng mababang blood glucse ay:

- Pinagpapawisan

- Matinding pagkagutom

- Mabilis na tibok ng puso

- Nahihirapang magsalita nang maayos

- Pagkairita

- Pagkahilo

- Pagkapagod

- Paglabo ng paningin

- Pag-iyak nang walang malinaw na dahilan

- Panginginig ng katawan

Minsan, maaaring maging malala ang hypoglycemia at maaari kang mawalan ng malay o magkaroon ng kombulsyon.

Tandaan: Ang mga sintomas na ito ay hindi lang dahil sa mababang blood glucose. Laging i-test ang level ng blood glucose sa tuwing masama ang iyong pakiramdam.

HUWAG HULAAN!!!

Kung nakakaranas ng hypoglycaemia sa gabi, maaari kang umiyak, magkaroon ng masamang panaginip o pagpapawis sa gabi ( basang sapin ng kama at pajama), at gumising nang nanghihina o masakit ang ulo.

Ano ang sanhi ng hypoglycemia?

Maaari kang magkaroon ng mababang blood glucose tuwing:

● nagpapalipas ng pagkain o pagkain ng hindi sapat

● nag-eehersisyo nang matagal o nang matindi at hindi dinadagdagan ang kinakain

● Sobrang pagkakaroon ng insulin

● hindi akmang dami ng insulin sa mga pagkain, meryenda at ehersisyo

● Wala sa tamang oras ang dami ng insulin kasama ng pagkain, meryenda at pag-eehersisyo

● matutulog, kilala ito bilang nocturnal hypoglycemia

● mag-eehersisyo pagkatapos ng ilang oras o tinatawag na delayed postexercise hypoglycemia

● pagkatapos uminom ng alak ang isang tao ay sinisira ng alak ang kakayahan ng katawang panatilihin ang normal na level ng blood glucose na maaaring dahilan ng biglaang pagbaba ng asukal sa dugo. May mga mahahalagang banta sa kalusugan ang paggamit ng alak at droga.

May iba pang nakapagpapataas ng banta ng hypoglycemia.

Kabilang dito ang:

- pagtuturok ng bakuna sa kalamnan sa halip na sa matabang parte ng balat.

- Pagtuturok ng insulin sa parte ng katawang madalas gamitin sa isang sport (katulad ng pagtuturok sa binti bago maglaro ng soccer).

Lahat ng sitwasyong ito ay nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng hypoglycemia ang isang tao.

ag-check ng mababang level ng blood glucose

Ang tanging paraan para makasigurado kung mababa ang iyong blood sugar ay sa

pamamagitan ng pag-test nito. Nugnit kung hindi mo agad ito mate-test, mahalagang gamutin agad ang sarili laban sa hypoglycemia upang maiwasan ang paglala ng mga sintomas."

May ilang taong may diabetes na hindi agad nararamdaman ang mga karaniwang senyales ng mababang blood sugar. Kaya mas mahalaga para sa kanila na regular na mag-check ng blood sugar at mag-ingat upang maiwasan ang hypoglycemia. Kung nahihirapan kang maramdaman ang mga sintomas, ipagbigay-alam ito sa iyong diabetes healthcare team.

Paano Gamutin ang Mababang Blood Sugar (Hypoglycemia)?

Kapag bumaba sa 4.0 mmol/L (72 mg/dL) ang blood sugar, kailangang aksyunan agad.

ito ang mga hakbang na dapat sundin:

- Uminom ng 1 kutsarang syrup o kalahating basong matamis na inumin (hal. juice na gawa sa prutas o cola (huwag diet cola). Magpahinga ng 15 minuto, sunod sukatin ang blood glucose.

- Kapag ang blood glucose ay tumaas ng higit sa 4.0 mmol/L (72 mg/dL), ulitin ang pagte-test kapag lumipas na ang 20–30 minuto upang masigurong nasa tamang level pa rin ang blood glucose. (>4.0 mmol/L)

- Kapag ang blood glucose ay mababa pa rin sa 4.0 mmol/L (72 mg/dL), ulitin ang pag-inom ng 1 kutsarang syrup o uminom ng kalahating basong matamis na inumin o cola (huwag diet cola), magpahinga ulit ng 15 minuto, at i-check ulit ang blood glucose level

Kung ang hypoglycemia ay nangyari bago kumain (dito karaniwang ginagamit ang insulin), kailangang magamot muna ang hypoglycemia. Kapag ang blood glucose ay umabot na sa higit >4.0 mmol/L (>72 mg/dL), kailangan agad iturok ang insulin. Huwag kalimutan magturok ng insulin, lalo na't importante ito sa umaga.

Kapag mayroong pasyenteng nakararanas ng kombulsyon o kaya ay nawalan ng malay, huwag magtangkang pakainin o painumin ito, dahil maaaring mabulunan o mapasukan ng pagkain ang kaniyang baga, na maaaring magdulot ng pulmonya. Dalhin agad sa pinakamalapit na ospital.

Key Takeaways

Para sa mga pasyenteng mayroong type 1 diabetes, ang hypoglycemia ay isang malubhang sakit. Kaya mahalagang alam ng bawat diabetic ang mga sintomas nito, at ang mga nararapat na hakbang kapag ito ay nangyari, at ang mga paraan upang ito ay maiwasan.

Sagutan ang pagsusulit sa hypoglycaemia ngayon!

Icon Paunawa: