Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Pag-monitor ng blood Glucose: Mga paalalang dapat mong tandaan

Na-edit:

Anne-Charlotte Ficheroulle

Pharmacist, Education Manager, A4D

What are the tools you need for blood glucose monitoring?

Blood glucose meter

Ito ay isang portable na elektronikong kagamitan na ginagamit upang sukatin kung gaano karami ang blood glucose. Isang maliit na patak ng dugo lamang mula sa daliri ang kinakailangan.

Ang blood glucose meter ay kailangang pangalagaan ayon sa payo ng manufacturer at i-calibrate palagi. Maaaring magkakaiba ang paraan ng paggamit nito depende sa modelo. Basahin ang gabay sa paggamit nito o kumonsulta sa iyong doktor o nars upang malaman kung paano gamitin at itabi nang maayos ang blood glucose meter.

Blood Glucose Test Strips

Gamitin lamang ang test strips na akma sa iyong meter. Isang beses lang puwedeng gamitin ang bawat test strip. Kailangan mong kumuha ng panibago tuwing susukatin mo ang iyong blood glucose levels. Huwag gumamit ng expired na test strips. Itago ang mga test strip ayon sa tamang paraan. Huwag ilagay sa loob ng refrigerator.

Finger prickers at lancet

Ang lancet ay isang maliit at matulis na karayom na ginagamit para tusukin ang balat. Kailangan mo ng finger pricker na may kasamang lancet para makakuha ng patak ng dugo na kailangan sa pagsukat ng blood glucose.

Kailan at gaano kadalas dapat sukatin ang blood glucose?

Dapat mong sukatin ang blood glucose levels mo kahit mga apat na beses bawat araw. Mas maganda kung anim na beses kung may sapat kang test strips. Itala rin ang mga resulta.

Narito ang epektibong pagsukat ng blood glucose:

1. Pagkagising, bago mag-almusal

2. Sa kalagitnaan ng umaga, bago magtanghalian

3. Bago kumain sa gabi

4. Bago matulog

Kung posible at may sapat na test strip, puwedeng gawin ulit:

5. 2.5 ilang oras pagkatapos mag-almusal

6. 2.5 ilang oras pagkatapos magtanghalian

Maaaring mas madalas ang pagsusuri kung ikaw ay nag-eehersisyo nang matindi (bago, habang, o ilang oras pagkatapos), o kung minsan sa gabi upang mabantayan kung may low o high blood glucose ka. Nakatutulong ito para maiwasan ang hyperglycemic na kondisyon. Mahalaga rin ito para makumpirma kung may hypoglycemia (mababang blood glucose level) at upang malaman kung bumubuti na ang kalagayan mo.

Kapag hindi kontrolado ang blood glucose levels, maaari itong magdulot ng mga biglaang problema tulad ng hypoglycemia, at mga delikadong kondisyon gaya ng diabetic ketoacidosis (DKA) at diabetic coma.

Ang kahalagahan ng pagsubaybay ng antas ng asukal sa dugo

Ang epektibong pamamahala ng diabetes ay nangangailangan ng regular na pagsubaybay sa level ng glucose sa dugo. Maaari mong sukatin ito ng anim na beses araw-araw, kung mayroon kang sapat na test strips. Dapat regular na suriin ang mga resulta kasama ang iyong doktor upang matukoy ang iyong glucose fluctuation pattern. Sa pamamagitan ng mga kaalamang ito, magagawa ng iyong doktor na baguhin o ayusin ang iyong diabetes treatment plan.

Siyempre, hindi palaging madaling magkaroon ng anim na test strips araw-araw. Kung kakaunti lang ang mayroon ka, subukan mong mag-test ng kahit 4 na beses sa isang araw bago kumain at bago matulog. Pwede mo itong ikonsulta sa iyong doktor.

Paano mag-check ng blood glucose level?

1. Maghugas at patuyuin ang kamay

2. Ipasok ang test strip sa blood glucose meter

3. Tusukin ang iyong daliri gamit ang lancet

4. Patakan ang test strip ng dugo hanggang sa masipsip ito ng tuluyan para magsimula na ang pagsusuri sa dugo.

5. Sa loob ng ilang segundo, ipapakita ng blood glucose meter ang resulta

6. Itala ang resulta sa iyong blood glucose diary o ang listahan nito.

7. Itapon nang maayos ang ginamit na test strip at lancet. Itabi ang blood glucose meter.

Tips: Pumili ng daliri—huwag palaging mag-check sa parehong daliri. Maaari ka ring mag-check sa gilid ng iyong daliri para hindi ka gaanong masaktan.

Paano basahin ang resulta?

Ang normal na antas ng glucose sa dugo ay nasa pagitan ng 4 – 10 mmol/l (72 – 180 mg/dL).

-Kapag gising ka na at bago kumain, ang target mong level ay sa pagitan ng 4 – 7 mmol/l (72 – 126 mg/dL)

-Pagkatapos kumain at bago matulog, ang target mong level ay sa pagitan ng 5 – 10 mmol/L (90 – 180 mg/dL)

Magkakaiba ang ating target na level. Kailangan mong kumunsulta sa iyong doktor kung ano ang dapat na level para sa iyo.

Kung mas mababa ang resulta sa 4.0 mmol/L (72 mg/dL), ikonsidera ito bilang HYPO (low blood glucose level). Sumangguni sa hypoglycemia fact sheet para sa mga detalye.

Maaari ka pa ring makaranas minsan ng mga sintomas ng hypoglycemia sa level na mas mataas o malapit sa 4.0 mmol/L (72 mg/dL) – dapat pa rin itong ikonsidera bilang HYPO.

Palaging Tandaan:

- Kung palaging mataas ang level ng iyong glucose sa dugo bago kumain, maaaring masyadong mababa ang iyong naunang dose ng insulin.

- Kung palaging mababa ang level ng iyong glucose sa dugo bago kumain, maaaring masyadong mataas ang iyong naunang dose ng insulin.

- Kung minsan mataas at minsan mababa ang iyong glucose sa dugo bago kumain, maaaring dulot ito ng maraming dahilan tulad ng dose ng insulin, mga kinakain mo at pag-eehersisyo.

Dapat mo itong ikuwento sa iyong doktor.

Ano ang HbA1c?

Kada 3 buwan, magsasagawa ang iyong doktor ng HbA1c test. Ang resulta ng pagsusuring ito ay sumasalamin sa karaniwang level ng glucose sa iyong dugo para sa nakaraang dalawa hanggang tatlong buwan. Kapag mas mataas ang level ng HbA1c mo, mas mahina ang iyong kontrol sa glucose sa dugo at mas mataas ang iyong panganib ng mga komplikasyon sa diabetes.

Kapag may maayos kang disiplina sa pagsubaybay ng iyong glucose sa dugo, magtatakda ang iyong doktor ng target na mas mababa sa 7% level ng HbA1c.

Kung mayroon kang kasalukuyang level na higit sa 7.5%, mahalagang maunawaan na ang anumang pagpapababa sa antas ng iyong HbA1c ay nagpapababa ng iyong panganib sa mga pangmatagalang komplikasyon. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng mas regular na testing ng iyong glucose.

Sagutan ang pagsusulit sa pagsubaybay sa asukal ng dugo ngayon!

Icon Paunawa: