Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Gabay sa paggamit ng insulin: Mga hakbang sa paraan ng pagturok ng insulin

Na-edit:

Anne-Charlotte Ficheroulle

Pharmacist, Education Manager, A4D

Paano ang tamang pagtatabi ng insulin?

Insulin na hindi pa nabubuksan (bago): Panatilihing nakatago sa refrigerator o palayok na nasa basang buhangin.

Insulin na ginagamit (nabuksan na): Ang insulin na kasalukuyang ginagamit ay maaaring itabi sa kuwartong may temperaturang (sa madilim at malamig na lugar) hindi lalampas ng 30°C nang hanggang 30 araw.

Iwasang matapat ang insulin sa direktang sikat ng araw o mataas na temperature, kaya huwag ito iwan sa labas, sa kotse pag mainit ang panahon o malapit sa kalan. Huwag pagyelohin ang insulin! Hindi ito dapat nakalagay sa sobrang malamig na lagayan. Huwag gamitin ang insulin kung ito ay expired na.

Suriin nang mabuti ang bote o takip ng insulin upang masiguro na maayos ito bago ilagay sa hiringgilya.

Mga payo:

● Itago ang ekstrang bote o takip ng insulin sa kahon na pinaglagyan sa refrigerator.

● Isulat sa label ng bote ng insulin ang petsa ng unang paggamit nito.

● Iwasang alugin nang sobra ang bote at takip ng insulin.

Saan tamang iturok ang Insulin?

Ang insulin ay dapat iturok sa malamang parte ng balat. Mayroong 4 na parte ng katawan na ligtas turukan ng insulin:

1. Hita: Sa Itaas at labas na bahagi lamang. Huwag iturok sa sulok o likod ng hita.

2. Sa itaas na bahagi ng braso: Sa malamang bahagi ng gilid at likod ng braso. Iwasan ang kalamnan at balikat.

3. Tiyan: Sa tapat ng tiyan, mula lamang sa ibaba ng tadyang hanggang sa ibaba ng linya ng sinturon.

4. Puwitan: Sa itaas na bahagi

Tandaan na gawin ang pagturok sa iba't ibang parte paikot sa katawan kada oras. Ang paulit-ulit na pagturok sa parehong parte ay maaring magdulot ng pamamaga ng balat.

Pagturok ng Insulin.

Bote ng Insulin

1. Hugasan at patuyuin ang kamay.

2. Ihanda ang hiringgilya, bulak at alkohol o iba pang panlinis.

3. Paikutin ang bote ng insulin sa pagitan ng mga kamay.

4. Linisin ang bote gamit ang alkohol.

5. Maglagay ng hangin sa hiringgilya.

6. Lagyan ng hangin ang bote, saka maglagay ng insulin sa hiringgilya.

7. Siguraduhing walang hangin sa hiringgilya.

8. Iturok ang insulin sa tamang parte ng katawan.

9. Itapon ang hiringgilya sa tamang tapunan.

10. Ibalik ang insulin sa malamig na lalagyan.

Huwag ipagamit ang hiringgilya o karayom sa iba.

Insulin Pen

1. Hugasan at patuyuin ang kamay

2. Tanggalin ang takip ng pen

3. Alisin ang protective pull-tab mula sa karayom at ikabit ang karayom sa pen.

4. Ilagay sa dalawang unit

5. Itutok ang pen paitaas kung saan ang karayom ay nakaharap, pagkatapos ay pindutin ang injection button hanggang lumabas ang isang patak ng insulin sa dulo ng karayom. Dapat bumalik sa zero ang dosage knob matapos ang prosesong ito.

6. Paikutin ang dosage knob upang piliin ang bilang ng units ng insulin na kailangan mong iturok.

7. ‎Gamit ang isang kamay, hawakan ang pen at nang ang hinlalaki ay maabot ang injection button.

8. ‎ Gamit ang kabilang kamay, marahang kurutin ang balat sa paligid ng lugar na tuturukan. Itusok ang karayom sa anggulong 45 hanggang 90 digri. Tanungin ang iyong doktor o nars kung aling ang gulo ang mas angkop para sa iyo. Habang nakabaon pa rin ang karayom sa balat, pindutin ang injection button hanggang umabot ito sa zero. Patuloy na pindutin ito sa loob ng 10 segundo.

9. ‎ Hugutin ang karayom. Kung dumugo ang parte ng tinurukan, dahan-dahang idiin ito gamit ang alcohol swab. Huwag kuskusin ang lugar ng iniksyon.

10. ‎ Ibalik ang takip ng karayom bago ito tanggalin mula sa pen. Huwag iwan ang karayom na nakakabit sa pen kung hindi ito ginagamit.

11. Itapon ang ginamit na karayom sa tamang lalagyan.

12. ‎Ibalik ang takip ng insulin pen at itago ito sa malamig na lugar.

Huwag ibahagi kahit kailan ang hiringgilya o karayom sa kahit na sino.

Key Takeaways

Para sa taong mayroong Type 1 Diabetes, ang matuto kung paano magturok ng insulin sa iyong sarili ay isang mahalagang kasanayang napakahalaga. Hindi palaging mayroong tao na gagawa para sa iyo, at kung nakayanan mong gawin ito, nagpapahiwatig lamang ito na kaya mo nang gawin ito nang mag-isa at nagtitiwala ka sa iyong sarili dahil naaalagaan mo nang maayos ang iyong sarili.

Isa pa sa importanteng kasanayan na kailangang matutunan maliban sa pagtuturok ng insulin ay kung paano itabi nang tama ang insulin. Kung ang insulin ay sumobra sa lamig o sumobra sa init, nagsisimula itong masira at hindi na ito pwedeng magamit at hindi na magiging epektibo, kaya kailangang ilagay sa tamang lalagyan.

Kumuha ng pagsusulit sa Insulin ngayon!

Icon Paunawa: