Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Mahalagang tip kung paano makokontrol ang diabetes kapag may sakit
Na-edit:
Gaya ng kahit na sino, maaari ka ring makakuha paminsan-minsan ng sakit. At dahil may epekto ang pagkakasakit sa pagtaas o pagbaba ng iyong blood glucose levels sa iyong katawan, may mga ilang hakbang na kakailanganin para mapanatili at makontrol ang iyong blood glucose levels.
Tuwing ikaw ay may sakit, mahirap malaman ang lagay ng iyong blood glucose levels. Hindi mo rin malalaman kung paano nakakaapekto ang sakit sa iyong diabetes control, kaya't mahalaga na madalas mong i-tsek ang iyong blood glucose levels sa tuwing ikaw ay may sakit at maaaring ayusin ang insulin doses kung kinakailangan.
Sa tuwing sinisipon ka, tinatrangkaso o iba pang uri ng sakit, nilalagnat man o hindi, kakailanganin ng iyong katawan ang karagdagang enerhiya para labanan ang mga mikrobyo at maaari itong makaapekto sa insulin na naturok mo sa iyong katawan.
Kapag hindi nakakuha ng sapat na enerhiya ang mga selula, o kaya naman ay walang sapat na insulin na nakakatulong sa glucose na makapasok sa iyong selula, maaaring gamitin ng katawan ang mga nakaimbak na enerhiya nito upang mapunan ang kakulangang ito. Ilan sa maaaring mapagkukuhanan ng enerhiya ay ang taba sa ating katawan at kalamnan. Nagdudulot ang prosesong ito ng mga dumi na tinatawag na "ketones", na mapanganib kapag napadami nito.
Kapag hindi naagapan ang high blood glucose levels, ang iyong ketones sa katawan ay mabubuo at maaari kang magkaroon ng malalang sakit na tinatawag na Diabetic Ketoacidosis o DKA kahit na ikaw ay walang karamdaman.
Alamin kung paano mapapangalagaan ang sarili sa tuwing ikaw ay may sakit, at maiwasang lumala ang komplikasyon.
Ang mga layunin ng pangangalaga sa panahon ng pagkakasakit ay ang mga sumusunod:
● Iwasan ang dehydration (kawalan ng sapat na tubig sa katawan)
● Iwasan ang ketoacidosis (mataas na antas ng asukal at ketones sa dugo)
● Iwasan ang hypoglycemia (low blood glucose levels).
Narito ang mga ilang sintomas para malaman kung may ketones ka sa katawan:
● Amoy prutas ang hininga
● Mataas na blood glucose levels
● Madalas na pagpunta sa banyo
● Laging nauuhaw
● Nakakaranas ng labis na pagod kumpara sa normal na pagod
● Pananakit ng tiyan
● Pagbabago sa paghinga (kadalasang mas malalim)
● Pagkalito
● Pagkawala ng malay
● Nakakaramdam ng pagkakasakit o pagkakaroon ng sakit
Ang pinakamagandang paraan para masuri ang ketones ay ang paggamit ng blood ketone test strips. Maraming tao ang walang blood ketone test strips at walang makina na ginagamit sa bahay. Tanging sa klinika at sa pagamutan lamang ito isinasagawa.
Sundin ang mga sumusunod na patnubay kapag nakakaramdam ng anumang sintomas ng sakit:
- HUWAG TUMIGIL SA PAGGAMIT NG INSULIN!
- Ang pagtaas o pagbaba ng dosage ng insulin ay maaaring nakabase sa blood glucose level o dami sa pagkain.
- Dalasan ang pagmomonitor ng blood glucose level tuwing makatatlo hanggang apat na oras kung may available pang test strips.
- kung hindi kayang mag-test ng blood glucose level sa bahay, maaaring magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility para sa regular na pagsusuri.
- Uminom ng maraming tubig. Kumain nang kaunti at madalas pero sa tamang oras ng pagkain.
- gamutin ang lagnat.
Napakahalaga ng pagsusuri ng urinary (ihi) o blood (dugo) ketones. Ang pagdadagdag ng insulin ay karaniwang kinakailangan para makontrol ang blood glucose levels (maliban kung ang sakit ay nagdudulot ng hypoglycemia)
kung mataas ang blood glucose ngunit wala o bahagya lamang ang ketones:
- lima hanggang sampu porsyento lamang ang kailangang dami ng insulin na gagamitin ayon sa short acting insulin at rapid acting insulin. Gawin ito nang paulit-ulit ng dalawa o hanggang apat na oras.
Kung mayroon kang mataas na blood glucose na may katamtaman o maraming ketones:
- Magturok ng 10-20% ng kabuoang dose ng insulin nashort acting insulin at rapid acting insulin araw-araw at ulitin tuwing dalawa hanggang apat na oras
Kung ikaw ay nagsusuka, ito ay senyales ng kakulangan sa insulin at diabetic ketoacidosis (DKA). Tawagan kaagad ang iyong doktor o pumunta sa pinakamalapit na klinika o ospital.
Kailangang dagdagan ng mga diabetic ang pag-alaga sa kanilang katawan, lalo na kapag sila ay nagkakasakit. Kung ikaw ay diabetic, ang pagkakaroon ng sakit ay maaaring maging sanhi ng hindi inaasahang pagtaas o pagbaba ng blood sugar level, at mas mahirap itong makontrol.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang pangalagaan ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagsunod nang mabuti sa payo ng iyong doktor sa pagkontrol ng iyong diabetes. Pinakamainam na ipaalam sa iyong doktor sa tuwing ikaw ay magkakasakit, upang magabayan ka nila kung paano subaybayan ang iyong blood glucose level at kung ano ang maaari mong gawin upang mapanatili itong kontrolado.
Ang maayos na pagkontrol sa diabetes sa pamamagitan ng pag-inom ng iyong gamot, pagkain ng tama, at pananatiling malusog, ay maaaring makatulong nang malaki upang mapanatili ang magandang kalidad ng buhay.
Tumingin pa ng iba pang mga artikulo