Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Mental health at Type 1 Diabetes

Na-edit:

Nashy Saeng-Xuto

HelloType 1 Freelance Translator and Reviewer

Ang relasyon sa pagitan ng mental health at diabetes

Ang pag-manage ng buhay na may Type 1 Diabetes ay mas mahirap kaysa sa inaasahan.

Kailangan ng regular na pag-aalaga ng hindi nalulunasan na sakit na ito.

Mas madali itong humantong sa stress.

Gayunpaman, ang pagiging stress palagi ay hindi lamang masama sa iyong mental health, mas napasasama rin nito ang iyong pisikal na kalusugan.

Kung ikaw ay stressed, ang iyong katawan ay naglalabas ng stress hormones, na nagpapalabas ng glucose sa atay.

Kung ikaw ay mayroong Type 1 Diabetes, ang pagkakaroon ng dagdag na blood glucose ay nangangahulugan na kailangan mo ng mas marami pang insulin upang harapin ang mas mataas na lebel ng blood glucose.

Maaari kang humantong sa downward cycle kung saan naaapektuhan ng iyong mental health ang iyong pisikal na kalusugan, na sa huli ay nagkakaroon ng epekto sa mental health.

Mula rito, matututuhan mo ang tungkol sa epekto ng mental health at diabetes, kabilang ang paglaya mula sa paikot-ikot na stress.

Ano ang maaaring magbigay sa iyo ng stress?

Alamin natin ang iba’t ibang psychological na bahagi ng mga taong nakararanas ng diabetes.

Maraming mga taong may diabetes na nangangamba sa kung paano ang pinakamainam na paraan ng pagma-manage ng kanilang kondisyon upang maiwasan ang komplikasyon.

Ang patuloy na pagmo-monitor at pag-adjust ng lebel ng blood glucose sa pamamagitan ng pagturok ng insulin at maingat na pagpaplano sa kakainin ay maaaring maging stressful sa kahit na sino.

Ang pagkakaila sa kung anong nangyayari, nalulungkot sa sitwasyon, o maging ang pakiramdam na nagagalit sa sarili dahil sa nararanasan ay mas nagpapa-stress lamang sa iyo.

Ang mga negatibong emosyon tulad ng hindi pagtanggap sa sarili, pagsisi sa iba, at pag-aalala ay maaaring makaubos ng ating enerhiya sa walang kwentang paraan, na maaaring humantong sa diabetes o maging mga problema sa mental health.

Tinalakay ng mga mananaliksik kung paanong ang diabetes burnout ay maaaring magpasama dahil ang mga taong may Type 1 Diabetes ay maaaring hindi alagaan nang maigi ang kanilang pisikal, sosyal, mental, at emosyonal na kalusugan. At ang diabetes ay hindi kailanman humihinto.

Ang pag-aalaga at pagmamahal sa sarili ay maaaring mas mahirap para sa mga taong may Type 1 Diabetes na mayroong negatibong pagtingin sa kanilang sarili. Ang pagkokonekta sa iba, pamumuhay nang maayos, at pakikipag-ugnayan sa iyong healthcare team ay maaaring hindi imposible.

8 practical mental health at diabetes tips upang bumuti ang pakiramdam

(1) Magpahinga. Bagaman hindi mo mapagsasawalang bahala ang iyong kondisyon, minsan, kailangan mo ng pahinga upang maglaan ng kaunting lakas para sa sarili.

(2) Bigyan ng Tuon ang Pag-aalaga sa Sarili. Hayaan ang sarili magkaroon ng oras na mag-enjoy sa mga gawain na nae-enjoy mo. Nakatutulong ito na magbigay ng espasyo na palayain ang isip sa mga pangamba sa kalusugan.

(3) Mag-check pa para mas maging malay sa blood glucose. Mas maraming datos ang mayroon, mas mabibigyan tayo ng mas mainam na kamalayan sa blood glucose kung ito man ay blood glucose na mababa, gitna, o mataas ang range,

Kung nagpapa-stress sa iyo, maaari kang makipag-ugnayan sa iyong healthcare team sa mga pagpipilian upang gumaan ang iniintindi. Ang simpleng pakikipag-usap sa iba ay makatutulong sa mga problema sa mental health.

(4) Manatiling nakakonekta. Ang pagkukwento nito at pag-amin sa iyong pamilya at mga kaibigan na ikaw ay nas-stressed ay makatutulong sa iyong mental health at diabetes. Makatutulong ito sa iyong mga mahal sa buhay kung paano ka nila susuportahan kabilang ang iyong Type 1 Diabetes nang mas maigi.

Ang ibang mga tao na namumuhay na may type 1 diabetes ay humihingi ng tulong mula sa mga mahal sa buhay sa pagpapaalala na magturok ng insulin at kumain sa takdang oras. Isa pang paraan ay ang pagtakda ng manual reminders sa iyong phone kung hindi mo nais umasa palagi sa iba.

(5) Gumawa ng Maliit na Pagbabago. Maaari mong ipaalam sa iyong mga doktor at nars kung paano sila makatutulong sa paggawa mo ng maliliit na pagbabago sa pang-araw-araw mong buhay.

Kung makapagmumungkahi sila ng iba pang pagpipilian, tulad ng Type 1 Diabetes technology (tulad ng paggamit ng insulin pumps o Continuous Glucose Monitoring Systems) upang makabawas ng stress, mas mainam ito.

(6) Baguhin ang Iyong Punto de Bista. Maaari mong bitawan ang ibang bagay kung ikaw ay may Type 1 Diabetes. May mga pagkakataon na ang mga bagay na dapat nating bitawan, ay nakabubuti at nakasasaya.

Halimbawa, kung nais mo ng kaunting snack o matamis na pagkain upang maging Mabuti ang pakiramdam, pupwede mo itong makain.

(7) Humingi ng tulong. Ang paghahanap ng communities o online forums na may mga kaparehong tao na may Type 1 Diabetes ay makatutulong sa iyo upang makaramdam na hindi ka nag-iisa. Maaari ka nilang turuan ng mga bagong bagay, magbigay ng suporta, at magbigay lakas upang magpatuloy. Ang pakikipag-usap sa mga tao ay makatutulong sa iyo upang mag cope ang iyong mental health at diabetes.

(8) Humingi ng Tulong sa Therapy. Kung sobra na ang mga bagay upang harapin, laging magandang ideya na kumausapng doktor, psychologist, psychiatrist, counselor, social worker, o therapist. Makatutulong sila nang husto sa iyong problema sa mental health.

Maaari ka nilang tulungan sa iyong malubak na pinagdadaanan, at bigyan ng magandang paraan upang harapin ang diabetes.

Ang pagharap sa mga stress sa buhay ay pagharap sa mas malalaki pang problemang hindi pa nararanasan noon.

Ang pinakamapanghamon ngunit ang pinaka mabuting gawin ay tanggapin at mahalin ang sariling may diabetes.

Hindi ito madali, ngunit magtiwala sa sarili!

Ang mga taong matagumpay na-manage ang type 1 diabetes ay nakikita ito bilang isang bagay na nagpapalakas, nagpapapursige, at mas nagbibigay deteminasyon upang harapin ang mahihirap na pagkakatoan at mga pagkabigo sa buhay.

Maaaring hindi ito maging madali. Kailangan mo ng oras, effort, at higit sa lahat, pagtanggap at pag-unawa sa iyong kondisyon upang magtagumpay.

Ang pagiging stressed nang paulit-ulit ay mahirap at nakakapagod, ngunit posible na mag-recharge at bumuti ang pakiramdam.

Mas magkakaroon tayo ng magandang pagkakataon na sabayan ang ating pag-angat at pagbaba kung tatanggapin natin na mayroon tayong type 1 diabetes.

Maaari nating matutuhan nang mas mabuti kung paano ang pag-handle ng mga stressful na sitwasyon kung alam natin kailan ito maaaring mangyari. Posible na magsikap para sa paglago at pagkamit ng tagumpay.

Makararating ka rin sa paroroonan! Magtatagumpay ka! Maniwala sa sarili.

Icon Paunawa: