Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Ang epektibong komunikasyon sa diabetes sa guro ng iyong anak

Na-edit:

ThS. BS Nguyễn Vũ Nhật Phong

Bác sĩ nội trú- Khoa Nội tiết- BV Đại học Y Dược TP.HCM. Giảng viên Bộ Môn Nội tiết- ĐH Y Dược TP.HCM

Ligtas na kapaligiran para sa pag-manage ng diabetes sa paaralan

Maraming oras ang kadalasang inilalaan ng mga mag-aaral sa paaralan at mahalaga ang bahagi ng mga magulang sa buhay ng kanilang mga mag-aaral, lalo na ang mga taong namumuhay na may Type 1 Diabetes.

Upang magkaroon ng malaking suporta sa pagbuo ng ligtas at inklusibong lugar para sa bata na may Type 1 Diabetes, kailangang matuto ng mga guro tungkol sa Type 1 Diabetes.

Ang pag-unawa sa Type 1 Diabetes ay makatutulong sa mga guro na bumuo ng kapaligiran sa paaralan kung saan ligtas at kabilang ang mga bata na may Type 1 Diabetes.

Isa sa pinakamahahalagang bagay rito ay ang epektibong komunikasyon sa mga magulang, mga batang may Type 1 Diabetes, at mga guro.

Dito, magpepresenta kami ng tips sa pakikipagkomunikasyon. Ang layunin ay siguraduhin na bawat mag-aaral ay mayroong mga kinakailangan upang maging ligtas, maging sila, at maging masaya.

Ang epektibong komunikasyon sa mga guro ay nakatutulong sa pag-manage ng diabetes sa paaralan

Kung ang may anak ka na may Type 1 Diabetes, mahalaga na kausapin ang guro ng anak tungkol sa pagma-manage ng Type 1 Diabetes sa paaralan upang manatiling ligtas at malusog ang iyong anak.

Ang unang hakbang ay ipaalam sa mga guro ang Type 1 Diabetes ng iyong anak upang matulungan sila sa paraan ng pagha-handle sa mga kinakailangan sa Type 1 Diabetes at sa mga emergency situation.

Maaaring ipakita ng mga magulang sa mga guro paano ang pagmo-monitor ng blood glucose at pagbibigay ng insulin.

Sa ganitong paraan, maaaring umaksyon nang agaran ang guro kung may hindi magandang mangyari, tulad ng pagbibigay ng glucose snacks o pagtawag ng tulong para sa kanila.

Sa pamamagitan ng paggamit ng biswal na larawan, tulad ng nasa HelloType1 website, mas mauunawaan ng mga guro ang kondisyon ng iyong anak upang makatulong sa pagma-manage ng diabetes sa paaralan.

Ang ibang mga mahalagang konsiderasyon sa iyong anak ay kabilang ang pagbibigay ng snacks sa klase (kahit bago ang break time, kung kinakailangan), pagbibigay ng regular na pag-check sa blood glucose, at pagmomodipika ng ibang mga pisikal na gawain.

Para sa isang taong may Type 1 Diabetes, “Ang pagmomodipika ay nakatutulong upang manatiling nakatuon sa pag-aaral. Ayos lamang na kumain (basta at magsasabi muna), lalo na kung bumababa ang enerhiya sa klase.

Mahalaga na gawin ang mga pagbabago na ito dahil ang hindi pagha-handle sa hypoglycemia o hyperglycemia ay maaaring humantong sa emergencies. Mahalaga ang pagiging balanse upang magkaroon ng magandang resulta mula sa pagkatuto.”

Sa huli, ang pagpapaalam ng Type 1 Diabetes ng iyong anak sa mga guro ay makahihikayat sa kanila na ipalaganap ang pagiging inklusibo at pagkakaroon ng patas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapaalam sa mga mag-aaral tungkol sa ganitong kondisyon.

Bumubuo ito ng mabuti at mapang-unawang kapaligiran kung saan walang batang binu-bully at magkakaroon ang lahat ng parehong pagkakataon na lumahok at maging maayos ang performance sa paaralan.

“Hindi dahil may Type 1 Diabetes ay hindi na naming kayang gumawa ng mga parehong mga bagay. Kaya namin! Upang mas epektibong pamahalaan ang blood glucose, kailangan nating alalahanin ang ibang mga bagay. Ngunit mahalaga na itrato ang bawat isa nang patas,” mula sa isang tao na namumuhay na may Type 1 Diabetes.

Magpasimula ng bukas na kombersasyon at panatilihin ang komunikasyon tungkol sa pag-manage ng diabetes sa paaralan

Kung ang iyong anak ay napag-alamang may Type 1 Diabetes, makatutulong nang lubos na malaman ng guro kung kailangan ng iyong anak ng mga espesyal na bagay sa paaralan, tulad ng snacks o tubig, o kailangan nilang regular na tignan ang blood sugar.

Nakatutulong ang pag-schedule ng meeting upang talakayin ang pagma-manage ng Type 1 Diabetes ng iyong anak upang makapag pokus sa pag-aaral at hindi masyadong intindihin ang pagma-manage ng diabetes sa paaralan.

Nakatutulong sa mas mabilis na pagkatuto ng mga guro ang pagbibigay ng mga kagamitang nagtuturo sa Type 1 Diabetes na madaling maunawaan. Kung wala ang guro, kailangan ng pangalawang tao na responsable, tulad ng punongguro na maaaring mag-handle ng diabetes emergencies.

Base sa punto de bista ng may Type 1 Diabetes, “Dahil hindi pa lubusang kilala ang Type 1 Diabetes, malaking tulong nang sabihan ng aking magulang ang mga guro at nars tungol sa aking kondisyon. Isa sa mga halimbawa ay ang pagbabahagi ng posibleng sitwasyon ng hypoglycemia – paano ang gagawin ng mga guro at paraan upang lunasan ito.

Ang pagpapanatili ng komunikasyon sa guro sa buong panuruang taon ay nakatutulong sa iyong anak na manatiling maayos ang mga gawain sa paaaralan. Ang paghahanap ng wastong balanse ay susi upang maging maayos ang pag-aaral at mas matuto pa.

Siguraduhin na alam ng guro na sinusuportahan mo sila at ipaalam sa kanila ang kahit na anong update sa pagma-manage ng diabetes ng iyong anak sa paaralan.

Maaaring tungkol ito sa pagpapalit ng dami ng insulin o ang kinakain, o maaaring tungkol ito sa pag-update ng iyong emergency contact information.

Magkasamang gawain upang ma-empower ang iyong anak

Sa paaralan, mahalaga na ipaalam sa guro kung kailangan ng iyong anak na maturukan ng insulin sa tiyak na oras (hal. 15 minuto bago ang tanghalian)

Kabilang dito ang regular na pagtingin ng lebel ng blood glucose at ang mabilis na access sa mga fast-acting na glucose snacks.

Kung kaya mo, ipakita sa guro paano mag-check ng blood sugar sa pamamagitan ng glucometer. Mas madali itong maunawaan ng guro paano gumagana.

Hangga’t maaari, maaari kang humingi ng suporta sa guro sa pag-handle ng Type 1 Diabetes ng iyong anak kahit na medyo bata lamang sila. Makatutulong ito sa kanila na mas maging independent at mapabuti ang kanilang kahusayan sa pag-aalaga sa sarili.

“Sa tingin ko, normal sa ibang mga guro na mag-aalala sa Type 1 Diabetes natin base sa karanasan ko. Ngunit nakatutulong ang pagsasabi ko sa aking mga guro na ayos lamang ako. Maaaring kailangan lang natin ng dagdag na tulong kung emergency. Ngunit pupwede pa rin tayong sumali sa mga klase sa PE at ibang mga aktibidad tulad ng ibang mga mag-aaral.

Kapag ako ay nag-eensayo sa sports, ipapaalam ko agad sa coach ko na kailangan ko mag-check ng lebel ng blood glucose at kumain ng carbohydrates sa pagitan ng breaks para hindi bumababa ang enerhiya sa patuloy na aktibidad,” mula sa isang taong namumuhay na may Type 1 Diabetes

Mula sa punto de bista ng isang health care professional

Ang pagiging caregiver sa isang tao na may Type 1 Diabetes ay parehong mahirap at satisfying.

Bilang isang doktor, nauunawaan ko ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon sa pagma-manage ng diabetes sa paaralan.

Para sa mga magulang o guardians ng mga bata o teens na may Type 1 Diabetes, ang pagpapanatili ng komunikasyon sa guro ay napakahalaga upang masiguro na sila ay ligtas at komportable habang sila ay nasa paaralan. Nakatutulong sa pag-manage ng type 1 diabetes sa paaralan ang pagtulong ng mga guro.

Mapagpasalamat at bukas

Hindi maaaring maging hadlang ang pagkakaroon ng Type 1 Diabetes ng iyong anak mula sa paggawa ng mga bagay na ginagawa ng ibang tao. Pakiusap na alalahanin na pasalamatan ang mga guro ng iyong anak para sa lahat ng kanilang trabaho na matulungan na matuto at lumago.

Pasalamatan sila sa lahat ng kanilang ginawa upang tulungan ang iyong anak na harapin ang mga hamon ng Type 1 Diabetes habang maayos na natututo sa paaralan kasama ng mga kaibigan.

Ang pagsasanib pwersa ng caregivers at mga guro na nagtutulungan ay malaki ang impluwensya sa kabuuang kalusugan at tagumpay ng iyong anak.

Bilang magulang ng isang batang may Type 1 Diabetes, maaari kang magkaroon ng matatag na relasyon sa kanilang mga guro sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pagbibigay ng mga impormasyon na kanilang kinakailangan, sama-samang pagtatrabaho, pananatili ng komunikasyon, at pagbibigay ng mga kagamitan na kailangan nila.

Icon Paunawa: