Info T1D

Icon

Healthcare Professionals

About Us

Natatakot akong Magkaroon ng Type 1 Diabetes ang Anak ko

Na-edit:

Yong Xuan Ooi

HelloType1 Coordinator Malaysia, A4D

Panimula

Lahat ng mga magulang ay inuuna ang kalusugan ng kanilang anak.

Karamihan ng mga magulang ay tinitignan ang mga senyales na maaaring may mali sa kanilang mga anak.

Panghabambuhay na kondisyon ang type 1 diabetes na magpapangamba sa iyong mga magulang.

Kung ang bata ay nasabihan na may juvenile diabetes, mas mahirap ito sa mga magulang.

Sama-sama nating alamin at pag-usapan ang tungkol sa type 1 diabetes at paano ito harapin.

Posible ang tagumpay ng iyong anak kahit na may type 1 diabetes.

Pag-unawa sa Type 1 Diabetes

Ang type 1 diabetes, kilala rin sa tawag na juvenile diabetes o insulin-dependent diabetes, ay karaniwang nagsisimula nang sanggol, bata, at adoscence.

Ngunit ang mga sintomas ng type 1 diabetes ay karaniwang hindi nakikita hanggang ang bata ay nasa limang taong gulang.

Kadalasang iniisip ng mga tao na ang pagkain ng sobrang matatamis ay dahilan ng type 1 diabetes. Ngunit ang diet ng isang tao ay hindi nagiging dahilan ng type 1 diabetes.

Panghabambuhay na kondisyon ang pagkakaroon ng type 1 diabetes kung saan ang beta cells sa pancreas ay sinisira ng immune system, upang hindi na makagawa ng insulin ang katawan.

Ang kakulangan sa insulin ay nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng blood glucose. Ang pangmatagalang pagtaas ng lebel ng blood glucose ay maaaring maging sanhi ng seryosong problema sa kalusugan.

Ang mataas na lebel ng blood glucose (o hyperglycemia) ay mas nakapagbibigay ng banta sa isang tao na magkaroon ng sakit sa puso, atake sa puso, sakit sa bato, sakit sa mata, o pinsala sa nerve.

Pagiging Malay sa “4T” na Senyales ng type 1 diabetes

Madalas na umiinom ng marami ang mga sanggol at bata. Ngunit kung ang anak mo ay biglaang mabawasan ng sobrang timbang o mas pagod o uhaw kaysa sa normal, maaari itong maging sanhi ng juvenile diabetes.

Karaniwang hindi alam ng mga batang may type 1 diabetes kung ano ang mali sa kanila dahil hindi nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman.

Narito ang “4T” na maagang senyales na makatutulong sa mga magulang na malaman kung ang kanilang anak ay may type 1 diabetes:

T1. TOILET. Ibig sabihin nito ay dalas ng pag-ihi. Ang mga sanggol at bata ay maaaring madalas na magkaroon ng basang diaper o madalas na maihi sa kama.

T2. THIRSTY. Ang labis na uhaw ay mas tumatagal at ang paggising nang maraming beses sa gabi upang uminom ng tubig ay maaaring mapanganib na senyales.

T3. TIRED. Kung walang insulin na maaaring ma-convert sa glucose na makukuha natin sa pagkain na nagiging enerhiya, hahantong ito sa pagtaas ng blood glucose. Sa mataas na blood glucose, hindi kayang gamitin ito ng cells sa katawan bilang enerhiya. Ito ang nagiging dahilan ng pagkapagod at panghihina.

T4. THINNES. Kung walang insulin at hindi kayang gamitin nang maayos ng katawan ang glucose, gumagawa ng enerhiya ang katawan sa pamamagitan ng mabilis na pagsusunog ng taba at muscle, na nagreresulta sa ketoacidosis at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.

Kung ang isang tao na may type 1 diabetes ay mabawasan ng higit sa 5% ng timbang nila sa loob ng 6 na buwan nang walang nakikitang rason, pakiusap na magpatingin sa doktor.

Dagdag na mga Senyales

A. SOBRANG GUTOM. Kahit na ang mga batang may juvenile diabetes ay malakas kumain, maaaring makaramdam pa sila ng gutom dahil ang pagkain ay hindi nagbibigay sa kanila ng enerhiya na kailangan nila.

B. PAGLABO NG PANINGIN. Ang mataas na lebel ng glucose ay maaaring makaapekto sa mga mata, na nagpapahirap sa mga batang may type 1 diabetes na makakita nang malinaw.

C. MALA-PRUTAS NA AMOY NA HININGA. Kung ang iyong anak ay may amoy prutas o matamis na hininga, maaari itong maging senyales ng diabetic ketoacidosis, isang mapanganib na komplikasyon ng type 1 diabetes.

D. YEAST INFECTION. Ang mga babaeng may type 1 diabetes ay maaaring makaranas ng dalas na pagkakaroon ng yeast infection.

Tandaan na ang type 1 diabetes ay manageable para sa iyong mga anak sa pamamagitan ng tamang kombinasyon ng impormasyon, pagpupursige, pasensya, at pag-uugali.

Sa wastong pagpaplano sa lunas, matatag na suportang sosyal, at adjustment sa lifestyle, ang iyong anak na may type 1 diabetes ay may maataas na tsansa na magkaroon ng mahaba at masayang buhay.

Paggawa ng Aksyon

Upang mapanatili na malusog ang iyong anak at maiwasan ang problema, kailangan mong maunawaan nang maaga ang juvenile diabetes at agaran itong lunasan.

Kung ang iyong anak ay nagpakita ng isa o higit pa sa mga senyales sa itaas, huwag mangamba. Sa halip, gawin kung ano ang dapat:

A. KUMONSULTA SA DOKTOR. Bisitahan ang pediatrician ng iyong anak o ang inyong doktor. Maaari silang magsagawa ng test sa lebel ng blood glucose at hemoglobin A1c. Ang mga test na ito ay magdi-diagnose ng type 1 diabetes at magiging handa sa mga planong lunas.

B. I-MONITOR ANG LEBEL NG BLOOD GLUCOSE. Maaaring isangguni ang isang pediatric endocrinologist kung ang lebel ng blood glucose ng iyong anak ay masyadong mataas. Makatutulong ang regular na pag-check ng blood glucose sa paglunas ng type 1 diabetes.

C. MAGING MAALAM. Mas marami kang alam tungkol sa type 1 diabetes (paano gumagana ang insulin, kahalagahan ng ehersisyo at balanseng diet), ay mas mabilis mong ma-manage ang lebel ng blood glucose ng iyong anak.

D. HUMANAP NG SUPPORT GROUP. Ang pag-alam sa ibang mga pamilya na nakararanas ng parehong kalagayan tulad mo sa online sites at social media groups ay makatutulong sa iyong pamilya na hindi makaramdam ng pag-iisa. Maaari ka rin nilang bigyan ng magagandang tips.

Kongklusyon

Kung ang isang bata ay napag-alaman na may juvenile diabetes, mahirap ito para sa parehong bata at mga magulang. Tipikal na emosyon na mararanasan ang kalungkutan, galit, at takot.

Normal na mag-alala tungkol sa kalusugan ng iyong anak, ngunit kung alam mo ang mga senyales ng type 1 diabetes at alam paano agarang umaksyon, malaki ang maitutulong nito.

Mahalaga na makipag-ugnayan sa doktor upang makakuha ng malinaw na diagnosis at planong lunas. Gayundin, mayroon itong positibong resulta sa buong pamilya upang matulungan ang anak na harapin ang type 1 diabetes at matugunan ang kanilang pangangailangang emosyonal, mental, at pisikal.

Manatili ang pakikipag-ugnayan sa iyong healthcare team at matuto pa tungkol sa type 1 diabetes.

Tandaan na ang type 1 diabetes ng iyong anak ay bahagi lamang ng inyong kakaibang journey, at sa tulong mo, maaari silang MAPABUTI.

Ang HelloType1 website, Facebook group, at Youtube educational videos ay magagandang site upang matuto tungkol sa type 1 diabetes. Makatutulong ito na maging maalam, magkaroon ng lakas, at mapabilang ang iyong pamilya. Huwag mahiyang makipag-ugnayan.

Icon Paunawa: