Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Type 1 Diabetes: Lahat ng dapat mong malaman
Na-edit:
Ang Type 1 Diabetes ay isang sakit na nakakaapekto sa kung paano ginagamit ng katawan ang Glucose. Ang Glucose ay isang asukal at ito rin ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya ng iyong katawan. Ang iyong katawan ay nangangailangan ng glucose upang patuloy na gumana.
Ganito ang dapat na proseso ng iyong katawan:
Tayo ay kumakain at ang mga asukal sa ating pagkain ay napupunta sa daluyan ng ating dugo.
Ang Lapay ay gumagawa ng hormone na tinatawag na insulin na nakakatulong sa glucose upang ito ay makapasok na selula ng ating katawan. Ito ang nagbibigay ng lakas sa ating katawan upang mabuhay.
Ngunit kapag ang isang tao ay may Type 1 Diabetes, ang katawan ay hindi na makakagawa o hindi na magiging sapat ang bilang ng insulin sa katawan. Kapag wala ang insulin, ang glucose sa mga pagkain ay hindi na makakapasok sa selula ng katawan at may posibilidad ito na mamuo sa daluyan ng dugo. Ang sobrang bilang naman ng glucose sa dugo ay maaaring makasama sa mga tao kapag ito ay hindi nabigyan ng maayos na lunas.
Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng Diabetes:
- madalas silang umihi dahil nagbabawas ng sobrang asukal ang katawan.
- umiinom ng maraming tubig upang mapalitan ang nawalang tubig sa katawan dahil sa pag-ihi
- Pagkain ng marami dahil ang katawan ay hindi nagkakaroon ng sapat na enerhiya mula sa pagkain (glucose)
- Pagbaba ng timbang ng katawan dahil mas gumagamit na ng taba at kalamnan para sa enerhiya dahil hindi na ito karaniwang makagamit ng glucose.
- pakiramdam na pagod dahil hindi makagamit ng glucose ang katawan
Ang iba pang sintomas ay maaaring:
- Matamis o mabangong amoy ng hininga, tulad sa asukal
- Paglabo ng paningin
- Pagsakit ng sikmura
- Pagduduwal o pagsusuka
- Pakawala ng malay
- Mabilis at kinakapos ng paghinga
Ang paggamit ng insulin sa pamamagitan ng turok ay ang nag-iisang lunas para sa Type 1 Diabetes. Ang pagtuturok ng insulin ang magiging kapalit ng mga insulin na hindi na nagagawa ng iyong katawan. Ang Blood glucose testing, pagpaplano ng kakainin at ang pag-eehersisyo ay mahalaga rin upang makontrol ang Type 1 Diabetes.
Hindi pa tukoy ang eksaktong sanhi ang Type 1 Diabetes, gayunpaman, nakita ang ilang mga panganib na nagdudulot nito. Ang panganib nito ay maaaring tumaas nang bahagya kung may dalang isang klase ng gene ang ating katawan.
Alam naming hindi mo ito kasalanan at walang paraan para mapigilan ito.
Ikaw pa rin ‘yan. Sa tamang paggamot, maaari kang mabuhay nang mahaba at masaya. Maaari mo din magawa ang mga bagay na iyong nakasanayan kagaya ng:
- Pag-aaral
- Paglalaro
- Pagtatrabaho
- Pagpapakasal at pag-aanak sa hinaharap
Bagaman walang lunas, ngunit dahil sa makabagong medisina, nagkaroon ng panibagong pag-asa upang makontrol ang kondisyong ito. Ibig sabihin, ang mga taong may Type 1 Diabetes ay maaaring mabuhay nang matagal at masaya kung papanatilihin nilang maayos ang kanilang kalagayan. Ito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan:
Magbasa pa nang marami patungkol sa iyong kalagayan at panatilihing may kaalaman. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Type 1 Diabetes ay makakatulong upang mapanatiling maayos ang kondisyon. Ibig sabihin, ang kaalaman sa mga bagay tulad ng mga pagkain na dapat iwasan, anong gamot ang dapat inumin, mga komplikasyon sa sintomas na dapat bantayan, at iba pa.
Sundin ang payo ng doktor. Ang payo ng doktor ay mahalaga lalo na sa pagkontrol ng Type 1 Diabetes. Siguraduhing sundin kung ano ang sinabi ng doktor, inumin lahat ng gamot na ibinigay, at sundin ang mga kondisyon at payo na binibigay sa iyo.
Kumain ng masustansyang pagkain. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakakatulong sa mga taong may Type 1 Diabetes upang mapanatiling maayos ang kanilang kondisyon. Ang pagkain ng masusustansya ay nakatutulong na mapanatiling maayos ang level ng blood sugar habang ibinibigay ang kinakailangang sustansya at mineral ng katawan upang gumana nang maayos. Ang pagpapanatili ng maayos na kalusugan ay mahalaga lalo na sa pagkontrol ng diabetes.
Manatiling aktibo. Bukod sa pagkain ng masustansya, ang araw-araw na ehersisyo at pagpapanatili ng aktibong pamumuhay ay mahalaga upang makontrol ng Type 1 Diabetes. Ang palaging pag-eehersisyo ay nakakatulong para protektahan ang katawan sa mga karaniwang komplikasyon ng diabetes tulad ng pagtaas ng dugo, problema sa puso, at iba pa. Tandaang para sa mga diabetic, napakahalagang laging uminom ng tubig at tiyaking laging may pagkaing dala lalo na kapag sumasailalim sa matinding ehersisyo. Nakakatulong itong mapanatili ang antas ng blood sugar at mapigilan namang sumobra ang pagbaba.