Info T1D
Healthcare Professionals
About Us
Outdoor sports, aktibidad, at Type 1 Diabetes
Na-edit:
Ang Ehersisyo ay mahalaga at malaki ang benepisyo para sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng bawat isa. Kung ikaw ay may Type 1 diabetes, mas mahalaga ang pag-ehersisyo dahil nakapagpapabuti ito ng pagkontrol ng iyong blood glucose.
Basahin pa rito ang tungkol sa pag-ehersisyo at ang epekto nito sa type 1 diabetes.
Isa sa mga karaniwang misconception ay ang Type 1 Diabetes at ang ehersisyo ay hindi magkaugnay. Ngunit, sa realidad, ang pagkakaroon ng Type 1 Diabetes ay hindi naglilimita ng iyong kakayahan upang mag-ehersisyo sa labas at sumali ng sports. Makatutulong itong magkaroon ka ng mga bagong kaibigan, humanap ng bagong interes at mag-explore ng mga bagong lugar.
Sa pamamagitan ng mainam na paghahanda at pag-alam kung kailan magiging maingat, maaari mong ma-enjoy ang mga sports na maaaring gawin sa labas at mga aktibidad at makakuha ng mga benepisyo ng ehersisyo para sa Type 1 Diabetes!
Sabihin sa iyong coach at mga kaibigan na ikaw ay may Type 1 Diabetes at siguraduhin na alam nila ang gagawin sa pagbaba ng iyong blood glucose (Hype)/ mataas na blood glucose (Hyper).
Maaari mo ring ibahagi ang HelloType1 upang matuto sila!
I-test ang iyong blood glucose bago ang aktibidad at mas regular sa buong aktibidad.
Kumain ng snack kung kinakailangan.
Magbaon ng extra snacks at mga inumin kabilang ang electrolytes (granola bar, sports drink, o buko juice)
Siguraduhin na bitbit ang iyong Hypo Kit at ang first aid kit. Magsuot ng cotton na medyas at ng athletics na sapatos na sakto at komportable sa paa.
Isa pang bagay na dapat ikonsidera tungkol sa Type 1 diabetes at ehersisyo ay ang tagal ng oras ng pisikal na aktibidad ay nangangailangan ng dagdag na carbohydrates at/o pagbawas ng dose ng insulin. Talakayin ito kasama ng iyong doktor o nars.
Panatilihin na tama ang temperatua ng insulin. Basahin pa rito.
Kung mainit; maglagay ng sunscreen/magsuot ng sombrero kung kinakailangan, magsuot din ng damit na presko at may proteksyon.
Kung malamig; magsuot ng dagdag na layer ng damit upang manatiling sakto ang temperatura.
Mag-ingat sa sintomas ng Hypo at Hyper – lalo na sa matagal na ehersisyo.
Basahin pa rito upang ma-manage ang hypoglycemia at hyperglycemia.
Matapos ang iyong aktibidad, tignan paano naapektuhan ang iyong lebel ng blood glucose at i-adjust ang insulin kung kinakailangan.
Matapos maging pisikal na aktibo, tignan ang iyong paa kung namamaga, may paltos, iritasyon, sugat, at iba pang mga injury.
Upang manatiling malinis ang paa matapos mag-ehersisyo (hugasan ang paa, panatilihing malinis at tuyo, maglagay ng kaunting lotion kung kailangan upang maiwasan ang injury)
Kung namamaga ang paa, itaas ito nang bahagya o ibabad sa maligamgam na tubig.
Tawagan ang iyong doctor kung hindi nagsimulang gumaling ang injury matapos ang 2 araw.
Maaaring mangyari ang delay hypoglycemia, na bababa ang iyong lebel ng blood glucose sa loob ng 6 hanggang 15 na oras matapos ang pag-ehersisyo.
Kung ang lebel ng iyong blood glucose ay magpatuloy na bumaba matapos ang ehersisyo, kailangan mo na bawasan ang iyong doses ng insulin bago at matapos ang ehersisyo. Tanungin ang iyong doktor o nars para sa suporta.
Uri, intensity at tagal ng ehersisyo (tignan ang table sa ilalim)

Ang dami ng insulin na maiiwan sa katawan (Oras kung kailan huling naiturok ang insulin)
Oras at uri ng huling kinain
Blood glucose bago ang ehersisyo (sa kabuuan dapat ay nasa 7-10 mmol/L o 126-180 mg/dL)1
Ang lebel ng iyong fitness
ILAGAY ANG TABLE RITO
Bawat tao na may Type 1 Diabetes ay nagre-react na iba-iba sa ehersisyo at insulin, kaya’t dapat kilalanin mo ang iyong katawan!
Karaniwan na magkaroon ng iba-ibang lebel ng blood glucose habang at pagkatapos ng ehersisyo.
Magsanay, mag-eksperimento at irekord. Alamin kung paano nagpe-perform ang iyong katawan habang at pagkatapos gumawa ng mga sport at mga gawaing panglabas ng bahay. Mahalaga ang mga bagay na ito na ikonsidera sa type 1 diabetes at pag-ehersisyo.
Magkaroon ng regular na rebyu at talakayan kasama ng iyong mga doktor at nars.
Matututo at magkakaroon ka ng kakayahan na ma-stabilize ang iyong lebel ng blood glucose habang nag-e-enjoy at natutuwa sa mga benepisyo ng ehersisyo.